"Wika ng Saliksik" - Orihinal na tula ni @spreadyourword

Magandang araw sa lahat! Matagal-tagal din noong huli akong nag post ng blog. Nais ko lang ibahagi ang aking gawang tula ukol sa tema Buwan ng Wika: "Filipino; Wika ng Saliksik".


FILIPINO KAMI LOGO.jpg

Photo Source:


"Wika ng Saliksik"


Pagbabago sa wika ay permanenti at ‘di maiiwasan
Dulot ay kabutihan para sa karamihan
Pag-usad man ay dahan-dahan
Pag-unlad naman ay siguradong makakamtan

Komunikasyon ay malaking parte ng henerasyon
Nagdaan man ang mga araw, linggo, buwan, at taon
Wikang Filipino ay nanatiling matatag
Patuloy ito sa pagyabong at pamamayagpag

Wikang Filipino ay walang humpay na pagyamanin
Pagtuonan ng pansin at linangin
Huwag limutin kundi gamitin para sa maganding adhikain
Wika ay bigyang halaga at mahalin

Humakbang patungo sa magandang kinabukasan
Para sa lipunan at sa inang bayan
Kaya sa pagtuklas ng bagong kaalaman, isipan ay gawing sabik
Para sa wikang Filipino; wika ng saliksik

Sort:  

Naniniwala ako na dapat bigyang halaga ang pamabansang wika natin na Tagalog. Siyempre hindi lang dapat mahalin dapat ay mahal na mahal.

Tama po kayo @twotripleow! Dahil ang wika natin ay isa rin sa sumasagisag ng ating bansa at ito rin ang bumubuklod sa atin!

Congratulations @spreadyourword! You received a personal award!

Happy Birthday! - You are on the Steem blockchain for 1 year!

You can view your badges on your Steem Board and compare to others on the Steem Ranking

Vote for @Steemitboard as a witness to get one more award and increased upvotes!

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.25
JST 0.040
BTC 93708.85
ETH 3368.00
USDT 1.00
SBD 3.50