Sa huling pagkakataon : Isang tula

image
Photo Credit

Siguro nga hilong-hilo na ko dinaig ko pang roller coaster yata. Sa ilang buwan na nakasama kita, yan ang mga tanong na kailan may hindi nasagot.

Teka lang, hindi ko na pala kailangan ng sagot. Alam ko na pala ang sagot. Matagal ko nang alam ang sagot. Pinapaniwala ko lang yung sarili ko na hindi ko alam pero sa totoo, alam na alam ko. Natatakot lang ako sa katotohanan na "wala". Wala lang ako sayo. Naaalala mo lang ako sa tuwing may kailangan ka. Naalala mo lang ako sa tuwing malungkot ka. Kasi alam na alam mo na isang tawag mo, nandyan kaagad ako.

Nakakatawa diba? Martyr na ba ako kung tawagin? Bakit nga ba ako pumasok sa sitwasyon na'to. Alam ko namang walang kahahantungan 'to pero sinubukan ko dahil gusto kita. Gustong-gusto kita.

Pero kahit gaano mo pala ka gusto ang isang tao. Dadating at dadating ang panahon na mapapagod ka. Mapapagod ka dahil araw araw ka nang nasasaktan. Mapapagod ka dahil alam mo na hinding hindi mo mapapantayan ang kanyang nakalipas.

Ang sakit isipin na habang kasama kita sya pa rin ang nasa isipan mo, sya parin ang bukambibig mo.
Ang sakit. Sobra.

Kung ibabalik nga lang ang panahon kung kailan nakilala kita. Sana'y umiwas na lang ako, sana'y hindi na 'to nangyari. Sana'y hindi na lang kita nakilala.

Bibitaw na ako. Sa aking pagbitaw, hiling ko'y iyong kaligayahan.

Sa huling pagkakataon. Nagbabaka sakaling sagot moy magbago. Asan nga ba talaga ako sayo? Kasi kung ako tatanungin mo. Nandito. Palagi akong nandito para sa'yo.

Sort:  

Huhubels! Ouch beshy! Saket aman pu nun kuya @mannylumanao
Pero nasa iyo po ang desisyon kung bibitaw pa o magpapatuloy. Indi ko pu alam ano mangyayari. Ang alam ku lang pu upvoted and resteemed ko itong gawa mo.

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.19
JST 0.035
BTC 92183.93
ETH 3313.90
USDT 1.00
SBD 3.75