"Walang Tayo"| Isang Tula

in #filipino-poetry7 years ago (edited)

IMG_20180411_192213.jpg

Natatandaan ko pa mahal ko
ang mga salitang sinabi mo
noong sinabi ko, sayo
na ang tinitibok ng puso ko
ay ang pangalan mo.
"Mahal Kita" ika ko,
"Mahal din kita" agad na sabi mo.
May kung anong kinang ang lumiwanag sa aking mata
Binalot ako ng kumot ng saya,
Pinaalis ang lungkot na aking dala dala.
Sabi ko ito na, ito na talaga. Napakasaya!
Ang oras ay tila huminto ang takbo,
Biglang tumahimik ang mundo,
na parang nawala lahat ng tao
at tayong dalawa nalang ang natira dito.
Wala akong ibang nakita, kundi ikaw lang at ako
matapos mong bigkasin ang mga salitang inaasam asam ko na marinig mula sayo.
Ang saya saya ko, napukaw ang katwang lupa ko. Pinukaw mo.
Ngunit bakit ganito?
Alam ko na ang saya saya ko
pero bakit may takot na kumakalabit sa puso ko. Natakot ako.
Natatakot ako, dahil ang saya saya ko
Natatakot ako na pagkatapos ng tuwa ng tawa ng saya, kasama ka ay biglang mawala.
Natatakot ako dahil kasunod ng saya na nadarama
ay lungkot, lungkot na kakainin ka.
Yung lungkot na dadalhin ka
hanggang ikaw ay magmakaawa
na sana bumalik ang dati,
yung dati na masaya.
Natatakot ako dahil sa milyong milyong rason na masaya tayo.
May isang bagay na pwedeng sumira nito.
Oo, mahal kita at mahal mo ako
ngunit hindi tayo.
Nakakatakot ito.
Na isang araw biglang mabaling yung atensyon mo
at suaubukan kong hingin uli ito
ay biglang sabihin mo
na walang tayo.
Oo nga, ano nga naman ang karapatan ang meron ako, wala nga naman palang tayo.
Pero sana mahal maisip mo
na andito lang ako naghihintay
ng pagmamahal mo, ng lambing mo,
ng atensyon mo. Pagmamahal ko sayo
ay mananatiling solido gaya ng bato
Kahit na ilang beses mong sabihin na
"Walang tayo"

Isang orihinal na akda ni Arvill
Sana nagustuhan nyo. Kahit medyo mahaba to. Pero sa lahat ng umiibig na walang titulo! Para sa atin to.

Sort:  

"Walang Label" pag walang label walang karapatang mag demand..
parang yung isang palabas lang sa sine nung tinanong ni Bea Alonzo si Richard Gomez ng ano tayo?

Ang sagot nya lang "Masaya lang"


Salamat dito sa tulang ito worth it ang pagbabasa

Maraming salamat din po at nagustuhan nyo ang tula.

Walang anuman nga pala maari ko bang gamitin ang tulang ito para sa munting patimpalak na Biglaang Kolaborasyon?

Salamat!

opo, malaking karangalan po para sa akin yan. maraming salamat po. :-D

Dahil sa pagsubok ni @tagalogtrail nalikha ko ang tulang ito na dugtong sa iyong napagandang tula. Sana maibigan mo rin...

https://steemit.com/philippines/@christyn/tula-15-dugtong-ko-po-sa-tulang-walang-tayo

Congratulations! You’ve been featured to our 93rd STEEMIT FAMILY PH DAILY FEATURED POST 🇵🇭👍🏼

Wow thank you ohana, this is such an honor. Thank you

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.25
JST 0.040
BTC 94242.56
ETH 3408.52
USDT 1.00
SBD 3.35