"Paalam" | Isang Tula
Sabi nila na mahirap daw ang umalis,
pero di nila alam kung sino ang tunay na naghihinagpis.
Masakit daw ang mang-iwan,
pero mas masakit ang maiwan.
Yung tipong dapat sabay niyong liliparin ang himpapawid
pero kalagitnaa'y iniwan ka sa ere
ng di mo batid.
Paalam!
Isang salitang masakit pag ika'y sinabihan,
ngunit mas masakit kung biglaan.
Walang tao ang gustong mamaalam,
at walang tao ang gustong masabihan ng paalam.
Isang salita na tila nag aanyong kutsilyo,
na tiyak hihiwa sa puso
at hahayaang dumugo.
Pero ano ang mas masakit na paalam?
Yun yung akala mo wala nang hanggan
ang samahan.
Pero biglang lumutang
ang salitang paalam.
Mas gugustuhin ko na lamang
ang mang iwan
kesa ako ang maiwan.
Pero kahit ano paman,
masakit pakinggan
ang salitang "Paalam".
Isang orihinal na tula ni @llivrazav. Sana ay inyo pong nagustuhan.