"Liwanag": Tula para kay inay.

in #filipino-poetry7 years ago

chumob.photo.blender1508709261078.jpg

Tulad mo'y isang araw
na nagbibigay ilaw
sa pang-araw-araw
para ako'y di mapanglaw.

Di mo kinakalimutan na bigyan ako ng liwanag,
at binibigyan mo rin ng dahilan para gumising at bumangon.

Ngunit, di mo pa rin ako tinatalikuran
at patuloy mo pa rin akong ginagabayan.
Ikaw ay lubos kong pinapasalamatan,
dahil di mo ako hinayaan at iniwan.

Tulad mo rin ang isang buwan
sa kalangitan,
dahil patuloy mo akong binibigyan
ng ilaw sa kadiliman.

Na kahit saan man ako magpunta,
sa pagtingala ko ikaw pa rin ay nandyan at nakikita.
Ang mga salitang ito ay hindi sapat
para masabi kung gaano ako nagpapasalamat.

Minsan ko nang nakita ang 'yong pawis
na patuloy na umaagos.
Pero nang ika'y tanungin ko,
sabi mo ikaw ay ayos.

At sa iyong mata
aking nakikita,
ang sakripisyo mong di na mabilang
simula pa nung ako'y iyong isinilang.

Nararamdaman ko rin na sa bawat pagngiti namin,
lahat ng pagod mo'y napapawi na rin.

Inay, isa kang alamat,
na bagama't
ikaw ri'y may lamat
ako pa rin ay nagpapasalamat.

Itong tula ay sa iyo kong inaalay,
sapagkat para kang gulay,
dahil aking buhay
ay binigyan mo ng kulay.

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.25
JST 0.040
BTC 92903.81
ETH 3331.70
USDT 1.00
SBD 3.29