Filipino-Poetry : "Payo"

relax-569318_1280-2.jpg
Pixabay

Payo
ni jennybeans


Ang pag-ibig ay sadyang ganyan
Napaglalaruan tayo minsan
Ngunit isa lang ang aking masasabi kabayan
Damdamin ay tatagan at ang pagmamahal ay wag sukuan

Nasaktan ka man ngayon
Liligaya ka rin pagdating ng panahon
Maghintay sa tamang pagkakataon
At puso'y ihanda sa anumang sitwasyon

Wag hayaang lamunin ka ng iyong nakaraan
Pasasaan ba't hihilom din ang pusong nasugatan
Pagmamahal sa sarili muna ang dapat na pagtuonan
Bago pagmamahal sa iba'y ipagsabuyan

Andali lang sabihin noh?
Pero ang hirap gawin alam ko
Kaya lang wala na tayong magagawa
Kundi umabante na lang at wag nang ngumawa

Kung pwede nga lang ibalik ang mga pangyayari
Itatama ang pag-ibig na nagdulot ng pighati
Pipiliting pana ni kupido'y waksiin
Nang maling pag-ibig ay maiwasan na rin

Pag nakita ko talaga si kupido
Uuwi talaga siyang kalbo
Siya'y sasabunutan ko
Dahil sa match-making niyang palyado

Akala niya ba andaming masaya pag siya'y pumalya?
Oo, marahil masaya sa una kasi ganon naman palagi diba?
Pero kalaunay nagiging mahapdi na at nagkakasakitan pa
Dahil relasyon ay nagkakalamat na at wala nang patutungahan pa

Pero andun na tayo kaibigan
Kalimutan na ang dapat kalimutan
Mag pokus sa kasalukuyan
At isiping may magandang bukas na sayo'y nakalaan



Nagbabasa ako sa mga #uloghugot post kanina... Kaya ako'y nakapagdesisyon na magsulat muli ng isang tulang may kinalaman sa pag-ibig hehe ngunit ito'y iba na sa mga dating nagawa.



U5dryacLKKpig2tysTaHYTxGFQtFrwZ_1680x8400.png
To join and be part of the gratefulvibes family on discord, click here

jennybeans.gif
To join and be part of the Steemitserye Steemitdora Full Force on discord, click here



Maraming Salamat sa Pagbisita

Sort:  

pahamak talaga si kupido...

Wow..ang galing mong gumawa ng tula ..sis..😀😀👍

Salamat sis 😁

Sorry... Anong "Payo" meron sa tula? Nagtatanong lang.. My two cents.

Na wag sukuan ang pag-ibig.. Nasaktan ka man ngayon darating din yung time na liligaya ka rin dahil dito at tyaka mas mabuting mahalin mo muna ang yong sarili bago ka magmahal ng iba... 😊

Katulad ng sinabi ko kay sir mrnightmare89 sa kanyang tula, hayaang ang tula ang magpaliwanag sa mambabasa. At pakisubukang sumali sa group ng LIRA (Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo) grupo ito ng mga Pilipinong manunula sa Pilipinas.

Salamat sir sa iyong puna at komento. Susubukan kong sumali sa LIRA para matuto at mahasa. Sa FB po ba yan?

Di ako sure mam. Pero parang meron mam. Pakicheck ng FB nila https://www.facebook.com/PalihangLIRA/ . May kilala pa rin ako diyan si sir Marne Kilates (English writer) at si Michael Coroza (Ateneo prof.) iyong nakabrown na may stripena puti (sir Marne at blue sa gitna ng photo (Michael).

Coin Marketplace

STEEM 0.15
TRX 0.17
JST 0.028
BTC 68761.82
ETH 2460.81
USDT 1.00
SBD 2.38