Ulan.
image from google
" Ulan. "
Libo-libong patak ng ulan,
Muli kang nagparamdam,
Walang tigil, walang ligtas aming bubungan.
Walang palya, magiiwan ng marka,magiiwan ng basang kalsada.
Oras ay darating, ulan ay tatapusin ng umagang parating,
kasabay ng maaliwalas at makulay na bahagharing maningning.
Minsan napaisip ang munting bulak-lak,
Pagibig din ay tulad ng di-mabilang patak,
Patak na simbolo ng kasalanan kaya't puso'y nawasak.
Patak ng mahinang ambon na di alintana,
Di alintana ang sakit dahil walang nang halaga.
Patak sa balat na ang lamig ay dama,
Patak na bunga ng kirot at sanhi ng pagluha ng mata.
Patak ng ulan na may hangging dala,
Pintig ng puso bunga ng tuluyang pag lisan nya.
At dalangin ng isip, pag aasam ng pusong mabawi ka.
Ngunit...
Tulad ng pagka lanta ng damo,
Pagkulubot ng mga puno,
Pag daan ng maraming bagyo,
Tao rin ay kaylangang matuto,
Kaylangan tanggapin at sumuko,
dahil sa bawat oras, sa bawat minuto,
Ang mga bagay na tumagal ay pwedeng magbago.
Ngunit wag kang mangamba, sa pait huwag manlumo,
Dahil ano'mang nawala, anu'mang maglaho, ay
Uusbong ang panibagong muka, at Sisibol ang bagong buto.
Puso ay muling magagalak,
Sapagkat dalawa na ngayon bulak-lak,
At tumila na ang unos dala ang libo-libong patak.
Iyong Galak na kaibigan,
@gelique