SUNDALO - ANG TINIG NG BAYANI (FILIPINO-POETRY)

Habang kayo’y natutulog sa malambot na kama
At kung minsan pa ay humihilik nga
Ang mga tulad namin na taga-bantay ng bansa
Imbis na pumikit ay dilat ang mga mata
Upang di masalisihan ng mga masasama.



Ang aming musika ay tunog ng mga bomba
Habang ang tahanan ay sa gitna ng giyera
Kung saan almusal ay mga bala at granada
Kailan ba matatapos itong pakikidigma?
Bakit di na lang tayong lahat ay magkaisa?



Pilipino sa Pilipino ang nagpapatayan
Magkakapatid sa lahi ngunit nagbabangayan
Na tila walang pag-ibig sa ating bayan
Maawa sana tayo sa nadadamay na kababayan
Na kahit mga musmos ay sinusundo ni kamatayan.



Pakinggan ang hiyaw ng ating kapwa tao
Mga bata at matandang humihingi ng saklolo
Kailan ba matatapos itong mga gulo?
Kapag ba ubos na ang bawat Pilipino?
Pairalin nawa natin ang awa sa mga puso.



LARAWAN:
PIXABAY

Sort:  

this is heart melting kind of message. thanks for this one bro. done upvoting it.

Congratulations @filipino-poetry! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

You got a First Reply

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Upvote this notification to help all Steemit users. Learn why here!

Congratulations @filipino-poetry! You received a personal award!

Happy Birthday! - You are on the Steem blockchain for 1 year!

You can view your badges on your Steem Board and compare to others on the Steem Ranking

Vote for @Steemitboard as a witness to get one more award and increased upvotes!

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.20
JST 0.034
BTC 89969.67
ETH 3082.69
USDT 1.00
SBD 2.92