OVERSEAS FILIPINO WORKERS (OFW's) - PAGLISAN (FILIPINO-POETRY)

in #filipino-poetry7 years ago (edited)

Mayaman raw kami, yan ang turing nila
Sa mga tulad naming nasa dayuhang bansa
Akala ba nila’y umuulan dito ng ginto at pera?
Maraming naiinggit sapagkat kami raw ay sagana
Di ba nila alam ang hirap na mag-isa?



Tunay na kaysakit ang malayo sa pamilya
Iniisip ang mga anak kung ayos ba sila
Ang aking bunso na hindi ako kilala
Sapagkat sanggol pa ng lisanin ko sila
Upang umahon sa hirap at guminhawa.



At sa tuwing ako’y uuwi, ang puso ko’y sumisigla
Nakalulungkot lang dahil pasalubong ang hanap nila
Inuna pa ang tsokolate kasya nangungulilang ina
Ngunit ayos lamang basta sila ay masaya
Sabik akong hagkan sila at makasama.



Matapos ang ilang araw ay babalik na naman
Mga paa kong kay bigat na ayaw lumisan
Gusto mang umatras ay wala nang urungan
Upang masustentuhan ang kanilang kailangan
Nang hirap ng buhay ay kanilang maiwasan.

LARAWAN :
PIXABAY

Sort:  

Resteemed your article. This article was resteemed because you are part of the New Steemians project. You can learn more about it here: https://steemit.com/introduceyourself/@gaman/new-steemians-project-launch

Congratulations @filipino-poetry! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

You got your First payout

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Upvote this notification to help all Steemit users. Learn why here!

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.20
JST 0.034
BTC 89969.67
ETH 3082.69
USDT 1.00
SBD 2.92