MAGSASAKA - ANG DAKILANG BAYANI (FILIPINO-POETRY)
Upang umani ng aming ipinunla
Kasama ng kalabaw na kay sipag talaga
Parehong pagod ngunit di iniinda
Para sa pamilyang nag iintay sa kubong sira-sira.
Kahit ka initan ay tinitiis namin
Huwag lang gutom ang aming sapitin
Upang sa hapag ay may maihain
Kasama ang anak at asawang butihin.
Masasakit na kalamnan na halos ikamatay
Ngunit dapat bumangon upang mag bantay
Doon sa bukirin ng aming mga palay
Na tila higit pa sa aming mga buhay.
Marurumi ang kuko at laging pawisin
Wag sanang pandirihan ang mga tulad namin
Inyo sanang pahalagahan bawat butil ng kanin
Sapagkat ito’y buhat sa pagsusumikap namin.
PIXABAY
Hands down to all farmers 👏👏👏
Salamat kaibigan sila ang tunay na bayani.
Congratulations @filipino-poetry! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :
You published your First Post
You made your First Vote
You got a First Vote
Award for the number of upvotes received
Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
To support your work, I also upvoted your post!
For more information about SteemitBoard, click here
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
Do not miss the last announcement from @steemitboard!
Galing ng tula! Saludo din ako sa mga magsasaka...
Tama po! Mabuhay ang mga magsasaka!
Salamat sa pagbabasa sa aking tula.
Irespeto natin sila :)
Kamusta kapanalig! Unang-una ang ganda ng pangalan mo gusto ko sya 😍 filipino-poetry.
Tama po kung walang magsasaka, nako gutom ang abot po natin nyan. Kaya't saludo po ako sa lahat ng magsasaka sa initan man ay di sila nagpapatinag.
Salamat kaibigan.
Suportahan ang ating sariling wika!
awesome post. thanks for sharing this one. done upvoting it.
Salamat kaibigan!