DUKHA NGUNIT MALIGAYA (FILIPINO-POETRY)

Sa aking pag-iisa ay aking biglang nahinuha
Na sa tuwing ako’y nagbabasa sa karamihan ng tula
Kapag tungkol sa mga dukha at pagiging maralita
Parati na lamang negatibo at nakalulungkot pa nga
Nawa ako’y samahan nyo sa aking mga tugma.



Nais kong iparating sa pamamagitan ng mga salita
Na ang kasiyahan ay posible kahit isang kahig isang tuka
Asin man ang ulam basta’t pamilya ay sama-sama
Butas man ang bubong pero buo ang pag-asa
Manalangin at manalig sapagkat Diyos ay may awa.



Naranasan nyo na bang maglaba sa ilog o sapa
Habang may baon na kanin at tinapa
At sa dahon ng saging ay nakalatag ang bawat isa
Handa ng magkamay kasama ang makukulit na bata
O kay sarap pag masdan ang busog na sikmura.



Sa tuwing may sakit, umaasa sa gamot na halaman
Kasabay ng haplos ni inay na kay gaan sa kalooban
Habang ang aking tatay ay nagsisipag sa taniman
Upang may maiuwing biyaya ng kalangitan
Na siya naming pagsasaluhan sa susunod na hapunan.


LARAWAN:
PIXABAY

Sort:  

Ang gaan lang talaga ng mga tula mo @filipino-poetry yung pakiramdam na mapapangiti ka habang binabasa mo yung tula kasi totoo. Payak ang salita pero tagos sa diwa.

Iyo pang ipagpatuloy ito.


Kaibigan ang aking mga ginagawang tula ay hango sa totoong buhay ng isang tao.
Salamat sayo kaibigan sa palaging pag suporta.

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.17
JST 0.029
BTC 69505.86
ETH 2493.71
USDT 1.00
SBD 2.54