#1 Filipino Poetry : "Puso Kong Magulo"

in #filipino-poetry7 years ago


leave

Puso Kong Magulo



Lisanin mo na ako - sigaw ng aking puso,
Ngunit tanging ikaw ang siyang nilalaman nito.
Lisanin mo na ako - kumpas ng aking mga kamay,
Pero bakit nais kitang maabot sa tuwing ika'y kumakaway.
Lisanin mo na ako - turo ng utak ko,
Ngunit parating ikaw - sa isip ko'y tumatakbo.

Iwanan mo na ako - habiling nais bitawan ng aking labi,
Ngunit sa iyong dampi - uhaw ko'y napapawi.
Iwanan mo na ako - sabi ng aking mga mata,
Pero bakit sa iyong paglayo luha ko'y lumalala.
Iwanan mo na ako - sambit ng pagod kong mga paa,
Ngunit kahit gaano kalayo kayang lakbayin, ikaw lang makasama.

Tigilan mo na ako - tibok ng pusong nagdurugo,
Pagod na ako sa iyong pagpaparamdam na 'di buo.
Tigilan mo na ako - bigkas ng pawis sa aking mukha,
Na sabay dumadaloy sa aking mga luha kapag ika'y naaalala.
Tigilan mo na ako - bulong ng sugatan kong mga balikat,
Sa tuwing ika'y umiiyak at wasak, ako ang nagpapa - angat.

Pagod na ako - huni ng nabibingi kong taenga,
Na palaging dinig ko mga salita mong puno ng bola.
Pagod na ako - iyak ng katawan kong puno ng galos,
Ngunit gumagaan - nawawala ang hapdi sa lambing ng iyong haplos.
Pagod na ako - ang tawag ng kaluluwa kong ginugulo mo.
Ako lang ba talaga ang nagmahal sa iyo ng buo?


Sana ay nagustuhan niyo ang pinakauna kong nailathalang tula .
Subaybayan niyo pa po ang iba kong ilalathala dito lang sa aking Steemit blog.
Maraming Salamat Po!

Image Taken from Deviantart


follow-upvote.gif

signing out 😊

Sort:  

very nice article please check my blog

Nice poem bro. Magbuhat sad baya kog poems hahahahaha.

Thanks. Hahaha... Looking forward for your poems.

Just read some of your poems. They're great man. I was amazed you were part of a publication and been to many seminars.

Let's continue honing our skills through making our masterpieces so the world will know that we, great writers (Hahaha... though I am an amatuer but we will be great writers someday), exist. ^_^ Thanks for dropping by.

Let the world know that we make good contents hahahahahahahahha

very nice poem. I like the way you tell stories through your poem. gandza!!!

I am also making poems in my blog. Feel free to visit.

Followed and upvoted! Lovelots Feb-ibig!

Greatly appreciated sir. I really do like your concepts on your blog and I am looking forward for more.

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.27
JST 0.040
BTC 96948.35
ETH 3468.05
SBD 1.56