FILIPINO POETRY #40: "MGA BATANG LANSANGAN"

in #filipino-poetry6 years ago


habag.jpg




Hirap ay nakagisnan
Nitong mga batang lansangan
Kalsada ang s'yang tirahan
Kanlungan ay ang lansangan


Gutom madalas ang nararanasan
Kapos maging sa mga pangangailangan
Bulsa madalas ay salat at walang laman
Kaya hapdi ng sikmura ang nasasalunga


Di alintana ang gutom sa maghapon
Napagkakasya pagkaing lamig na itinapon
At sa basurahan maghapon ay naroroon
Upang kalamnan ay sa gutom maiahon


Panawagan ko sa mga may puso
Magdalang habag at awa sa'ting kapwa
Huwag pagdamutan ang nagugutom
Mga batang lansangan ating kaawaan


Atin silang bigyan at h'wag pagdamutan
Silay ating unawain at huwag pagkaitan
Upang maibsan gutom at hirap nilang nararanasan
Mga luha sa mata ng kamusmusan
Ay mapalitan ng pag-asa at kinabukasan








oyeah.gif
INYONG NAIBIGAN.png



footer.png

Sort:  

Kailangan din ang magulang ng mga kabataang ito ay bigyan ng aral, puhunan at lalo pang bigyan ng giya sa kanilang pagbuo ng pamilya. Mahirap na lang laging iniaasa sa kapwa tao at gobyerno ang ginawa nila iyan.

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by cejero021 from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

minsan ang mga batang lansangan dahil din sa pabayang mga magulang o minsan sila pa yung nag uutos sa mga batang ito parang mamalimos..

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.27
JST 0.041
BTC 104664.06
ETH 3858.84
SBD 3.32