Lovestory in a times of darkness part 2 By TarsivY

in #fiction7 years ago (edited)

fanart__magnus_exorcismus_by_kuroi_tsuki.jpg

image from Facebook

Ang mga pangalan at tao sa istoryang ito ay likha lamang ng aking kathang isip... walang pagkakahalintulad sa sinuman na nabubuhay at namatay... Ang kuwentong ito ay hindi maaaring kopyahin sa anumang paraan, nang walang ipinahahayag na pahintulot ng may-akda sa pamamagitan ng anumang paraan na pag gamit. ©TarsivY

At muli akong humarap sa madilim na bulwagan na yun...at sa isang iglap ay unti unting nagkakaron ng liwanag ang loob dahil may apoy na dumadaloy kabilaan sa gilid ng bulwagan na iyon at yung apoy ay nagmumula sa amin...paglingon q muli sa likod ay nakita ko na may dalawang bolang apoy sa kanyang kamay ang isa pang madre na kasama ni Zhelle na si Amarith...medyo bata pa sya at may magandang mukha din...matangos na ilong malamlam na mata makipot na labi at mapulang buhok...ngayon alam ko na kung bakit sila ang aking kasama sa misyong ito... at ngayon ay nag umpisa na akong humakbang papasok sa loob...pero kahit alam ko na may kasama akong dalawang may kapangyarihan din ay iba pa din ang nararamdaman ko na takot...at kung mula saan ay may narinig akong nakakatakot na halakhak...napaka lakas nito at umaalingawngaw sa loob ng buong bulwagan...habang naglalakad kami napansin ko na ang dalawang apoy na gumagapang sa kabilaang gilid ay huminto at parang ito ay itinutulak na wag tumuloy...at ramdam ko ang puwersa na yun...at mula sa aming harapan sa di kalayuan ay biglang may lumiwanag na dalawang apoy...at unti unti itong tumaas...mata pala ito ng isang nilalang...at aking itinaas ang staff of wisdom at pinaliwanag ang dyamanteng nasa dulo niyong sa pamamagitan ng aking kapangyarihan...at duon ko lamang napagmasdan ang anyo ng nilalang na nasa aming harapan...isang malaking toro na may katawan na kahalintulad ng isang tao at nagliliyab ang kaniyang dalawang mata na nanlilisik at patuloy na humahalakhak...

At narinig ko ang boses ni Zhelle “isa siyang minotaur..magiingat ka Hephaestus” at narinig ko naman mula kay Amarith na “ang isang minotaur ay may lakas katumbas ng isang daang katao...at ang kanyang kapangyarihan ay apoy kaya walang maitutulong ang aking kapangyarihan” biglang huminto sa paghalakhak ang minotaur at nagsalita “alam nyo na pala kung anong uri ako ng nilalang at ang aking kakayahan...sisiguraduhin ko na ako ang huli ninyong makikita bago ko kayo durugin” at sabay takbo ng mabilis papunta sa aming kinatatayuan...at mabilis ko binigkas “Salos Muros” at nagkaroon ng pader na liwanag sa aking harapan kasabay niyon ang pagsuntok ng malakas ng monotaur at duon tumama...sa lakas ng puwersa nya ay nabasag iyon dumerecho sa akin...at ako ay napahandusay sa d kalayuan...at nakita ko ang minotaur na duguan ang kamay nya...at tumakbo agad sa akin ang dalawa ko na kasama...si Amarith ay tumayo sa aking unahan nakaharap sa kalaban habang si Zhelle ay tinitingnan kung may sugat ba sa aking katawan at tinanong ako kung meron ba akong nararamdaman na masakit sa aking katawan...naupo ako at tumayo...wala akong nararamdamang kahit anong masakit sa akin...ang dugo sa kamay ng halimaw ay sarili nyang dugo dahil sa pagtama sa ginawa ko na pananggalang...nakangisi ito at dinilaan pa ang kanyang sariling dugo...narinig ko na bumulas ng orasyon si Zhelle “Kyrie integumentum” at may bahagyang may liwanag na bumalot sa akin...ito pala ang dahilan bakit hindi manlang ako nasaktan sa atake na un...sumigaw aq at sinabi sa halimaw na “Humanda ka at ako naman” tumakbo ako kung saan nakatayo ang minotaur at habang papalapit ako ay sinalubong ako ng dalawang lumalagabgab na kamao ng minotaur...sabay bigkas ko ng “Ianuae Magicae” talsikan ang mga bato at sumambulat ang apoy at gumawa ng malaking uka iyon sa sahig ng bulwagan at ng mahawi ang usok ay nagulat ang minotaur dahil wala ako doon...ginamit q ang teleport skills na natutunan ko sa libro at ako ay nasa likod ng halimaw na to sabay sambit ng “Lux Sancta” at mula sa kinatatayuan ng halimaw ay may malaking bilog na liwanag na umiikot at nanlaki ang mata nito...at akmang lulundag pa lamang ito palayo ay biglang umangat ang liwanag na nasa paanan at napaloob siya roon...

Nang maglaho ang liwanag ay nakita ko ang isang lalaki na walang saplot at nag aagaw buhay at duguan...at akin siyang tinanong “nasaan ang prinsipe?” sagot nya “kinuha at dinala sya ni Agatham ang Dark Knight” at bago sya bawian ng buhay at tumawa uli ito at sinabing “uubusin kayo ng aking panginoong Dark Lord pag napasakanya na ang kapangyarihan ng gemma tenebris” at biglang naging abo ang katawan nito at naglaho...at doon naman lumapit sa akin ang dalawa...at aking sinabi sa kanila ang naging usapan namin ng halimaw...paglabas namin ng bulwagan na iyon ay nakahandusay ang mga katawan ng mga sundalo ng simbahan..ang mga crusader at ang paladin...at sa d kalayuan ay may isang naka kabayong umaapoy ang paa at mata at nakasakay dito ang may mahabang kapa at naka suot ng itim na armor ng isang Knight at nakataas pa ang umaapoy nitong espada...at itinutok iyon sa amin at pagkatapos nito ay tumalikod at lumisang palayo...at unti unti itong naglaho sa makapal na kahamugan...nasambit ko sa aking sarili iyon malamang ang Dark Knight...

Nilapitan namin at inisa isa ang lahat ng sundalo para tingnan kung cno pa ang buhay sa kanila...at tinawag kami ni Amarith na buhay pa and paladin na si Aurgox na aming kasama...at lumapit agad si Zhelle dito at lumuhod sa harapan at pumikit...(napahanga talaga ako sa taglay nitong kagandahan na pamilyar sa akin) at itinapat ang dalawang kamay sa katawan ng paladin at lumiwanag ang kanyang mga kamay at nakita ko kung paanong humilom ang mga sugat nito...at pag tapos niyong ay sinabihan nya ako na tulungang itayo ang paladin...dahil pinagaling lamang nya ang sugat nito pero hindi pa nanunumbalik ang lakas...

Isinakay namin sya sa karuwahe at ako na ang nagpatakbo sa mga kabayo..,dahil magtatakip silim na ay naisipan ko na magtungo kami sa pinaka malapit na bayan mula roon...pag dating namin sa bayan ng Niffelheim ay napaka tahimik...walang mga liwanag ang bahay pero nararamdaman ko na may mga nakasilip sa mga kabahayang iyon...marahil ang mga tao sa lugar na iyon at sila ay may kinatatakutan...aking tinanggal ang balabal na suot ko para makita nila ang abitong suot ko...at mula sa kung saan ay may isang binata ang sinitsitan kami...”halikayo rito...dali!!!” at bumaba ako at inalalayan si Amarith at Zhelle saka tinulungan makababa ang paladin na kasama namin...at pumasok kami sa isang maliit na tahanan kung saan pumasok ang binata...pagkapasok namin ay dali daling sinara ng binata ang pintuan at hinarangan ng kahoy na panara at nagpakilala siya sa amin na si Rollo...at inalok kami ng pagkain at inumin...at habang kami ay nagsasalo sa pagkain at doon nagkwento ang binata kung anong kababalaghan at nakakakilabot na pangyayari sa kanilang bayan...kinukuha ang mga kabataan at ang lumaban ay pinapatay...dahil siya ay mandurukot sa kanilang bayan at sanay sa takbuhan kaya siya ay nakatakas sa mga ito...pero naiwan nya ang kanyang kaisa isang kapatid na babae na nakuha ng mga kampon ng kasamaan...at sinabi ko naman sa kanya na kami ang ipinadala ng hari para imbistigahan ang kastilyong salamin at hanapin ang hinde pa nakakauwing prinsipe...nang malaman nya ang aming misyon ay nagmakaawa si Rollo na siya ay aming isama sa kadahilanang gusto nyo iligtas ang kaniyang kapatid...ngunit akin siyang tinanggihan sa kadahilanang bata pa ito at delikado ang aming misyon...at nagpasalamat ako sa pagpapatuloy nya sa amin at sa pagkaing inihain sa amin at sinabing bukas bago magbukang liwayway ay lilisan na kami...at muli kong tinanaw si Zhelle na nanatiling gising pa at nagdadasal...iniwan ko na ang binatang tila nakasimangot sa aking sinabi...at lumapit na kay Zhelle at tumabi at lumuhod din at nagdasal...maya maya lamang ito ay tumayo na at naupo sa tabi ni Amarith na nakahiga na at natutulog...at sa di kalayuan ay natutulog na din si Aurgox ang paladin...at nang matapos ako sa aking dasal ay tumayo ako at kumuha ng upuan at pinuwesto malapit kay Zhelle at naupo...napansin ko na hindi sya tumitingin sa akin at nakikiramdam lang...at dun ako nagsalita...”Malalim na ang gabi..bakit hindi kapa matulog?” sinagot nya ako nang “Hindi mo naba talaga ako natatandaan?” nagulat ako sa kanyang sagot...dahil ang aking katanungan ay sinagot din ng katanungan...tumawa ako at sinagot sya “hindi ko nakakalimutan ang araw na ikaw ay ipinakilala sa akin ng kaibigan ko nung nakasalubong ko kaya apat na taon na ang nakakaraan” at muli sya nagsalita na “labing limang taon na ang nakaraan hindi mo natatandaan?” naging malungkot ang maganda niyang mukha “ang maliit na bayan ng Geffenia kung saan tayo lumaki...” at sa sinabi niyang yun ay biglang sumakit ang aking ulo at parang unti unti nanumbalik sa akin ang mga ala-ala nang nakaraan nung ako ay isang bata pa..ang pangitain ng isang batang babae na napakaganda at magkahawak kami ng kamay at pangitain ng Lumuluha ito sa aking harapan at pangitain ng isang itim na anino na may aura ng apoy na kulay asul...at pangitain ng isang malakas na pagsabog ng nakakasilaw na liwanag...

To be continue...


TEAMNOSLEE_GIF.gif



TarsivY peda.gif

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.24
JST 0.039
BTC 103208.45
ETH 3292.46
SBD 6.25