Weekend well spent! ❤️
"A daughter is one of the most beautiful gifts this world has to give."
--Laurel Atherton--
Mahirap ang mawalay sa anak lalo na at unang anak ito. Nagtatrabaho ako sa Manila, at pinipilit na makauwi linguhan para masilayan ang aking prinsesa. Mahirap man pero eto aking kinakaya para sa kinabukasan niya. Parehas kame ng asawa ko na sa Manila nagtatrabaho, tanging ang biyenan ko ang nagaalaga sa aking anak.
Kaya sa tuwing uuwi ako sa anak ko, pilit ko sinusulit ang bawat segundo. Kulang na lang hindi ko na siya ibaba sa aking mga bisig. Binubugbog ko siya sa aking mga halik at yakap.
Sinisikap ko na magiging masaya ang bawat sandali na magkakasama kame..
Nitong nakaraang Biyernes ay umuwi nako para masilayan ang aking anak. Nagleave ako sa trabaho para ipagdiwang ang ikalimang buwan ng aking anak. Pinipilit namen magasawa na makapaghanda buwan buwan para sa kanya, at pinipilit na buo kame at magkakasama. Mababakas saming mga mukha ang saya at ligaya.
Nakaugalian na sa probinsya ang pinaghahanda ang buwanan kaarawan ng mga bata hangang sa ito ay tumungtong ng isang taon.
Naghanda kame ng palabok, na espesyal na luto ng aking ina. Sopas na espesyal din niluto naman ng aking biyenan. Cake,gelatin at buko salad para sa matamis na kainin.
Talaga naman napakasaya ng aming naging pagsasama sa araw ng aming pahinga.