Mga Ala-ala ni Tatay (Tagalog) Memories of my Father (English)

in #family7 years ago

Kamusta ka dyan itay? Ayus ka lang ba sa iyong kinaroroonan? Gabi-gabi na lang kitang naaalala, kalakip ng bawat sandaling naaalala kita ay ang munting panalangin sa Ama na sana ikaw ay gabayan Nya. Miss na miss ka na namin tatay, alam ko naman na ayos na ayos ka dyan kasi wala ka namang problema at sakit na nararamdam. Masakit lang na isipin na sa panahon na ikaw ay aming naaalala, naaalala din namin ang iyong paghihirap dahil sa pagsasakripisyo mo samin ng ikaw ay nabubuhay pa.

Masakit isipin na ang mga panahon na nandito ka pa wala ka ng ginawa kundi ang magtrabaho para sa amin na kahit sobrang sama na ng iyong pakiramdam mas pinipili mo pa din ang magtrabaho at magsakripisyo para sa amin, dinadaya ang sarili na ayos ka lang at walang anumang sakit na nararamdaman. Bakit mo kami sobrang mahal tatay?

Lahat ng sakripisyo mo ay di namin makakalimutan sabay ng pakiramdam ng pagsisisi kung bakit di ka namin sobrang naalagaan. Namatay ka na wala man lang kasama sa bahay ni wala ka man lang pasabi na aalis ka na pala. Tandang-tanda ko pa noong huling araw mo kumuha ka ng bulanglang na gulay, yan ang kinain mo diba? Alam ko yun ang huling kinain mo ni hindi ka man lang nga kumain ng umaga bago ka nawala.

Ang daya-daya mo tatay, sana nandito ka man lang ngayon nakikita mo achievements namin sa buhay na mga anak mo. Hindi mo man lang nakita ang apo mo sakin, nahagkan o nayakap man lang. Ang laki mong kawalan tatay, masaya kaming namumuhay pero alam namin na may kulang. Alam kong darating ang araw na magkakasama-sama pa din tayo sa lugar na kung nasaan ka man ngayon. Tanging hiling lang namin na sana kahit nandyan ka at nandito kami gabayan mo kami at ipanalangin na din sa Dyos na kami ay gabayan sa araw araw.

Sa tuwing naaalala kita mata ko'y hindi maiwasan na maluha. Pitong taon na pero yung sakit malinaw na malinaw pa din na nadarama. Ang daming masasayang pangyayari na hindi mo nakita ng iyong buhay na mga mata. Saba'y hiling namin na sana andito ka kasama sa bawat lungkot at saya. Masakit mawalan ng isang ama. Isang ama na handang magdisiplina sa mga anak pag napapariwara na. Laki mong kawalan tatay. Ang hirap mawalan ng ama ang isang pamilya.

Magkikita din tayo dyan tatay at magiging buo pero sana sa ating pagkikita nagawa na namin lahat ang dapat gawin sa mundong ibabaw. Salamat po sa lahat-lahat ng sakripisyo at walang sawang pagmamahal. Napaka swerte naman po namin sabagkat ikaw ang aming naging ama. Anong kaybuti mo po talaga. Sa lahat ng tagumpay at pagpapala na aming nararanasan araw araw alam naman namin na ikaw ang unang nagiging masaya sa kung ano man ang meron kami sa buhay.

Payo ko lang sa mga may tatay at nanay pa. Minsan lang tayo bigyan ng Dyos ng isang buong pamilya na nandyan pa ang magulang natin, mahalin natin at ingatan sila. Igalang at pasayahin sa araw-araw. Minsan lang tayo mabuhay. Ang mga magulang natin ang nag alaga satin pamula ng tayo'y maliliit pa. Kung anuman sila satin noon kung pano nila tayo alagaan sana ganon din tayo sa panahon ng kanilang pagtanda. Naniniwala ako sa pamantayan ng nakakaraming Pilipino na dapat nating alagaan ang ating mga magulang hanggang sa pagtanda. Ating suklian ang kanilang pagmamahal. Psayahin natin sila habang silay nandyan pa huwag bigyan ng sama ng loob sapagkat sila'y tumatanda na. Hindi na sila sa pabata kundi sa patanda. Swerte kang maituturing kung may magulang ka pa.

Tandaan po ninyo mahal ka po namin tay. Salamat po sa lahat lahat.

Sort:  

Wonderful poem. Godbless you and keep steeming

Kaya lagi kami umuuwi sa amin dahil gusto ko talaga iparamdam pagmamahal ko sa kanila.

tama po wag manghinayang na umuwe na umuwe kasi mahirap magsisi pag wala na sila at di na muling mkikita pa

aww. anong ikinamatay nya sis? ☹️ For sure binabantayan nya pdn kayo hnggang ngayon. ❤

complication ng diabetes sis.. sobrang pagtatrabaho

I don't understand Tagalog but I'll have my wife @bloghound translate it for me. The flower photos are beautiful!

Nakakalungkot naman na mawala yung taong mahal mo😓

oo nmn sir sobrang sakit lalo nat di kayo buo

ang ganda naman po ng post nyo.naalala ko tuloy ang tatay ko. God bless po.

condolence po ma'am :(
he will forever live in your hearts and never be forgotten...

You brought me tears. This is a great tribute to your dad, sis. My dad also passed away a long time ago and I miss the days when he was still alive.

aww i remember my father called me on the phone earlier

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.24
JST 0.041
BTC 94539.68
ETH 3264.39
USDT 1.00
SBD 6.78