BUKAS NA LIHAM

in #environment7 years ago (edited)

Isang Makakalikasan Araw!

Steem Ph,

Marahil sa likod ng modernong panahon ay nakikita ng bawat isa na tambak ang iba't ibang sulinarin o problema hindi lamang sa lipunan ating kinabibilangan, ngunit maging sa iba't ibang dako o panig ng mundo. Marahil isang malaking dagok ito sa kasalukuyan tao na ang sibilisadong panahon ay tila tumatandang paurong.

Sa bansa natin ay araw-araw na makikita ang hubad na katotohanan na may mga taong patuloy na nananatili sa laylayan ng ating lipunan, Nagkalat ang problema sa kahirapan, korapsyon, polusyon, karahasan, pangaabuso, kalusugan, edukasyon, oportunidad at iba pa.
Halimbawa na lang ang mga bata at matatandang araw araw nakikipagsapalaran sa lansangan para magtinda sa bangketa hangang sa mga bus o pambulikong sasakyan para maitawid ang isang araw na buhay ng kanilang pamilya, at ang mga nanlilimos sa lansangan at kalye ang naging tahanan ay ilan lamang sa biktima ng sistemang umiiral.

14555680_1094267150650464_1436460922_n.jpg

Sila ay hindi lamang biktima ng sistema ng ating lipunan ngunit naging biktima din sila ng isang mapanghusgang kaisipan ng tao, sapagkat minsan ay masmabilis pa natin silang sisihin sa kanilang naging kalagayan dahil sila ay tamad at hindi nakapag-aral, Habang hindi nakikita ng karamihan na ito ay dulot ng may iilan nagkokontrol sa yaman ng bansa, dulot ng may iilan lamang ang nakikinabang sa ating likas na yaman, dulot ng may nagkakamal ng sobra sobra sa kanilang pangangailangan, at dulot ng isang pribilehiyong sistema na nilikha ng iilan na pumapabor sa kanilang kabuhayan.
Marahil ilan ito sa mga ugat kung bakit nananatili ang kahirapan sa ating bayan, at maaaring manahin ng susunod na salinglahi kung hindi natin masosolusyunan.

Marahil sa kabila ng mga problemang ito, sa kabilang ng panghuhuthot ng tao sa kapwa tao niya, ay hindi maitatangi na ang tao ay garapalan din ginagahasa ang ating kalikasan, Walang tigil na tinatalupan at binubungkal ang ating mga kabundukan at kagubatan sa pangunguna ng mga dambuhalang kumpanya ng logging at minahan na siyang direktang sumisira at nakakaapekto sa ating kalupaan, katubigan at hangin.

Malinaw na ang lahat ng ito ay patuloy na tumatakbo para sa kanilang pagtutubuan o pera. Na kung saan habang nagpapakasasa ang iilan sa likas na yaman ng mundo, ang karamihan naman ay nagpapakasakit sa epekto na dulot nito.
Ang mga malawakan pagguho ng lupa, ang mga biglaan pagragasa ng katubigan ang ilan sa mga naging epekto nito na kumikitil sa buhay ng mga inosenteng tao.
Habang ang iilan ay may sobra-sobra sa kanilang pangangailang, ang karamihan naman ay namamalimos at namumulot ng mga latak ng sitemang ito.

Nakakalungkot isipin na habang ang mundo ay patungo sa modernong panahon taglay ang mga makabagong teknolohiya ay sumasalungat naman ito sa natural na proseso ng ekolohiya na siyang nagiging dahilan kung bakit nawawala na ang balanseng buhay sa nagiisa nating mundo.

Hindi maitatangi na ang tao ay likas na materyalisko na siyang nagiging dahilan sa patuloy na pagkasira ng ating kalikasan at mundo, habang patuloy tayong dinidiktahan ng sistemang ito kung ano ang kailangan natin sa buhay, kung ano ang bago, kung ano ang uso sa tulong ng telebisyon, radyo at mga pahayagan ay patuloy na magbubungkal ang mga kumpanya para kumuha ng mga hilaw na sangkap upang makalikha ng mga bagay na gusto o luho ng tao na siyang pumapabor naman sa kanilang kabuhayan at pumapatay sa buhay ng mga maliliit na tao.

Marahil mahalaga na masuri natin mabuti bilang isang indbiwal kung ano tunay na pangangailangan natin para magpatuloy ang ating buhay at ang buhay ng daigdig, at sa tingin ko ang sariwang hangin, ang malusog na lupa at malinis na tubig ang ilang sa mga pinakamahalagang bagay na kailangan ng tao na dapat protektahan para tayo ay patuloy na umiral sa mundo. Sa tingin mahalaga din na maunawaan natin ang pagkakaiba ng gusto at ng kailangan, na kung saan ginagamit ng tao ang kanyang talino para piliin at kunin ang sapat sa kaniyang pangangailanag at hindi ang kagustuhan lamang.

Ngunit hanggan saan nga ba ang lahat ng ito, Sapat na kaya na maghayag lamang ng saloobin ang isang indibwal na gaya ko, o mas mainam na subukan din natin mag usap usap, mag talakayan, maghayag ng mga perspektiba at ideya, at lumikha tayo ng mga kaganapan na maghahatid sa atin ng kamalayan upang mas makita natin kung ano ang mga simpleng bagay na maaari natin gawin araw-araw para tulungan manumbalik ang dating ganda, sigla at balanse ng buhay sa ating mundo.

Lubos na gumagalang,
Organismo sa Mundo

#Steem #Pilipinas #Talakayan #Kalikasan

Sort:  

Congratulations @jareyalidad! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes received

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

By upvoting this notification, you can help all Steemit users. Learn how here!

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.21
JST 0.038
BTC 96505.82
ETH 3656.11
USDT 1.00
SBD 3.87