Kasi Mahal Kita By Ysa Tumulak

in #dsound7 years ago (edited)



A spoken word poetry in tagalog for the one I love.


Click on the photo above to listen to Kasi Mahal Kita.
 
fence.png
 
 
Labing dalawang taong gulang.
 
Naniwala ako na may prinsipe ako,
Na nakasakay sa isang puting kabayo,
Na isang araw ay darating siya para kunin ako
At mamumuhay kaming masaya at malayo sa gulo.
Kagaya nang nangyari sa babaeng inalila
Ng kanyang dalawang kapatid at ina;
At sa babaeng maputi at kay ganda
Noong siya'y tulog at pitong duwende ang kasama.

At noon din, tayo ay nagkakilala.
 
 
Labing-anim na taong gulang.

Naniwala ako na darating ang isang tao -
Isang taong inilaan ng Diyos na patanuyan na may pag-ibig na totoo.
Lalo na ngayon na puro nalang sakit dahil sa panloloko
Ang dinaranas ng mga kaibigan at kakilala ko.
Sabi nila, "Yeh, wag ka na maniwala, araw nalang ang tapat"
Pero sadyang matigas talaga ang ulo ko sapagka't
sabi ko, "maniniwala ako kagaya ng paniniwala kong hindi mauubusan ng bituin ang langit at asin ang dagat."

At noon din, nagkapalitan tayo ng mga salitang pangangamusta.
 
 
Labing walong taong gulang.

Masidhi ang pagnanais kong makapagtapos ng pag-aaral;
Wala na sa isip ko 'yang pag-ibig-pag-ibig at mahal-mahal.
Sa mga pangarap ko, iyan ay sagabal.
Iniisip ko kung darating ay darating siya
At kung hindi ay aba, okay lang, salamat nalang!
Kaya buhay ko ay naging bahay at paaralan,
Mata ko'y sa laptop nakakatutok lamang.
Sapagka't ang importante ay matapos ko
Ang kung ano mang nais ng mga magulang ko.

At noon di'y hindi na natin naisip ang isa't isa.
 
 
Dalawampu't isang taong gulang.

Muli tayong nag-usap at muli mo kong kinulit
Sa madaling araw ka tumatawag nang paulit-ulit.
Di ko alam kung maiinis ako sa'yo o ano.
Iniisip ko, "Ano ba nakain ng isang 'to?
Bakit ang pagtulog ko’y kanyang ginugulo?"
Sabi mo pa, naiinis ka na sa akin
Sapagka’t mga tawag mo'y di ko kayang sagutin.
Natawa ako at naisip, "ano kaya problema mo?
Bakit sa dami nang pwedeng gambalain ay pinili mo ako?"
Pero sa huli, ikaw ay aking pinagbigyan.
Dahil may pinagsamahan naman tayo sa nakaraan.
Hindi ko man alam anong motibo nang muling paglapit mo,
Ang alam ko lang, natutuwa ako sa'yo.

At noon din ako'y unti-unting nahuhulog na pala.
 
 
Noong isang araw, may pinabasa akong isang tula sa'yo
At hiniling mong mabasa ang mga gawa ko.
Hinanap ko ang pinakamagandang tulang naisulat ko,
Subalit, mahal ko, wala akong mahanap na akdang babagay para sa'yo.
Kaya kahit alam kong hindi ako magaling,
Hindi makata at walang talinong angkin,
Hayaan mong isulat kita,
Bilang aking pinakamagandang akda.
Dahil para sa'yo ay gagawin ko.

Ito ay para sa'yo, mahal ko.
 

E N D
 

fence.png

Photo above by: Ysa Tumulak
Words above by: Ysa Tumulak, 11:47 (May 2, 2016)
Special thanks to @jamesanity06 for editing my post divider

Poem was first posted in my Facebook account for my Boyfriend, Neff Obbus. See link here for the original post.

► Listen on DSound

► Listen from source (IPFS)

E N J O Y !

 
Photo 20-01-2018, 10 41 34 PM.jpg

Photo 20-01-2018, 10 15 55 PM.jpg

Sort:  
Loading...

Hi @ysathewriter,I saw you in the groupchat and decided to take a look at your works. I don't read filipino poems that much but I really like your work! Keep up the good work and continue sharing your love for poems!

I’m grateful that even if you don’t read filipino poems, you made an exception for this. Thank you for that. 😊

This is one of the best poems, waiting for your next masterpiece!!! Cute nung english version ni atey hihi... 🤗🤗🤗

Haha. Sana may himala at mainspire na naman ako ulit. Hehe. Thank you. 🤩🤩

Bitte! Always ka naman naiinspire. Araw araw mainspire ka ng mahal mo...💕💕💕

Oh myghaaaad ysa this is sooo amazing! Hahahaha naminaw rako wala ko nibasa but oh wow! Amazing kaayo!

Btw, kindly include tags #philippines for english blogs and #pilipinas for tagalog ones. This will help our fellow Pinoys see your posts more often.

Haha. Thanks, She. Lisod jud kaayo mamili sa mga tags. Plus automatic man diay na ang dsound and other dsound tags if magupload sa dsound. hahaha.

This wonderful post has received a @ysathewriter 49.17% upvote from @hellowhale. Discord Channel: https://discord.gg/WVJW7AC Please vote with the link below if you support our project. https://goo.gl/1zYDKh

This post has received a 47.24% upvote from @lovejuice thanks to @ysathewriter. They love you, so does Aggroed. Please be sure to vote for Witnesses at https://steemit.com/~witnesses.

Dapat may spoken version nito Ysa! hehe. Ang galing, ang ganda! Ikaw na talaga! ^_^

Ay meron. Haha. Click mo yung link sa taas or yung pic didirect ka nun sa dsound. 😊😊

Thank you rin pala. 😊

You have a lovely spoken voice and you seem to read well as your rhythm is all I understand do you have an english tex translation? So us who do not understand your language can know what has been said ?

Hi, thank you! I might need more time to translate this in English but I would make some time. Thank you for stopping by.

This is great. Continue to make awesome posts like this. Kung sino man yang mahal mo for sure he will fall in love with your poems. Keep posting things like this. It's great. :)

Hahaha. Kikiligin din ako kapag kinilig siya. Hahaha. 😊😊 Ang cute kasi ng mga lalaki kapag kinikilig. Hahaha

Thank you. 😊

Excited kos animnaput taong gulang ysa hahahha

Layo pa kaayo to ba. Hahaha.

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.21
JST 0.036
BTC 97936.99
ETH 3366.06
USDT 1.00
SBD 3.35