Ano ang bitcoin

in #cryptocurrency7 years ago (edited)

maraming nagtatanong sakin , ano nga ba ang bitcoin

Ang bitcoin ang kaunaunahang crypto currency o digital payment system na ginawa taong 2009
Ang tao sa likod ng future technology na ito ay walang iba kundi si Satoshi nakamoto pero ang salitang satoshi ay pseudonym lang , wala talagang nakakaalam kung sino talaga si satoshi at kung nasaan na ito ngayon

Value of bitcoin

Taong 2009 ng unang lumabas ang bitcoin pero marami ang nagduda dito at hindi pa ito tanggap ng marami kaya ang halaga nito ay 3 piso lang bawat isa. pero nagpatuloy ang bitcoin sa kanyang karera unti unti itong nakilala ng mga tao dahil nga sa teknolohiyang katangian nito, sa ngayon
210k na ang halaga ng bawat isang bitcoin at pinaniniwalaan na patuloy pa itong tataas

how bitcoin works

Ang bitcoin ay Sistema na kung saan ginagamit upang magpadala ng pera ng direkta sa taong ito ng walang banko o third party na humaharang, tama ka dyan , ang bitcoin ay decentralized at irreversible ibig sabihin walang authority na kumukontral , nagdidikta , nagdedelay sa bawat transaction nyong dalawa. Kaya ang resulta, instant at mura. Ang bawat transaction sa bitcoin ay napupunta sa tinatawag nilang blockchain ang teknolohiya sa likod ng bitcoin, Ito ay public ledger na naglalaman ng datus ng inyong transaction at iba pang transaction sa buong mundo, dahil decentralize ang bitcoin nananatili kang anonymous sa blockchain tanging ang mga wallet address nyo at halaga ng bitcoin lang ang makikita.
Sa kabuuang datus meron ng 14 million bitcoin ang nasa sirkulasyon , meron na lang 7 million bitcoin ang pwedeng ma mina para sa kabuuang 21 million. Kaya inaasahan na patuloy pa itong taas dahil sa malapit na nitong maabot ang limitasyon

What is mining?

Bitcoin miners ang tawag sa taong nagmimina ng bitcoin gamit ang kanilang high spec computer , bago pumasok sa public ledger ang bitcoin transaction kino-confirm muna iyon ng mga miners gamit ang kanilang computing power upang Makita kung lehitimo ba ang transaction, sa ganitong paraan nanatiling ligtas at synchronize ang bawat transaction sa public ledger. Kaya meron tayong tinatawag na mining fee dahil iyon ay napupunta sa mga bitcoin miners, mas mataas na computing powers mas maraming transaction ang maipoproseso sa maikling oras, mas madaming mining fee ang makokolekta. ang pag buo ng mining rig ay umaabot ng 150-200k para sa isang profitable na mining rig.

Ano ang bitcoin wallet address

kung ang banko may account number si bitcoin may wallet address , ito ay libre, walang bayad walang expiration , walang maintaining balance at higit sa lahat walang pangalan, kaya nananatili kang anonymous. Ang CoinsPH! kaunaunahang platform dito sa pilipinas na nagbibigay ng instant conversion between peso to bitcoin pwede nito ikonvert ang kahit na anong halaga ng peso sa bitcoin

Gusto ko kumita ng bitcoin

Trading ang pinaka lehitimo na alam kong paraan para kumita ng bitcoin kung saan ipinapalit natin ang ating bitcoin sa iba pang cryptocurrency, ang konseptong ito ay katulad din sa forex trading at sa stock market. pero may mga tao na hindi para sa kanila ang trading kaya pwede kana man mag invest at itago lang ito ng matagal na katulad din sa konsepto sa pag invest sa stock market

Kung gusto mo pang matuto ng trading at iba pang kaalaman sa trading ng crypto currency PM me at Facebook

Maraming tao ang ginagamit ang tagumpay ng bitcoin para makapang loko ng tao, kaya dapat maging ma ingat ka, maging mapanuri , mapag matyag, mapangahas matang lawin..

image (C) google
btc.jpg

Sort:  

Congratulations @cryptoshelz! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

By upvoting this notification, you can help all Steemit users. Learn how here!

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.25
JST 0.039
BTC 98660.01
ETH 3484.72
USDT 1.00
SBD 3.23