Ang Mangangaral Sa Damasco

in #church7 years ago

Kabanata 10
Damihan mo ang paggawa ng mga leksiyon na ukol sa kahalagahan ng pagsamba. Paikot-ikot at iba't ibang mga paliwanag na ang kauuwian ay walang pagliban sa kanilang mga pagdalo sa mga pagsamba.
Lagi mong ituro na napakabigat na kasalanan sa Diyos ang di pagdalo sa pagsamba. Sila ay habang-buhay na kakainin ng apoy sa araw ng katapusan. Takutin mo sila na sa buhay palang na ito ay susumpain na sila. Magkakaroon sila ng mga malulubhang karamdaman, mamalasin sila sa kanilang mga paggawa at iba pang mga pangtakot.
Sabihin mong pagluluray-lurayin sila ng Diyos kapag di sila dumalo ng pagsamba. Subaybayan mong lagi ang kanilang mga pagsamba. Maglagay ka ng mga bantay o mga katiwala sa kanila. Kunin mo ang kanilang mga pagdalo sa panahon ng pagsamba. Sinumang hindi makasamba ay ipadalaw mo kaagad. Ipasabi mo na kaya sila dinalaw ay ipinagmamalasakit mo sila na huwag magkasala sa Diyos. Ipanalangin sila na sa susunod ay pagtalagahan na nila ang pagsamba. Lagi mong ipakuha ang bahagdan ng mga pagdalao sa pagsamba sa bawat barangay, probinsiya at kabuuan ng iyong relihiyon. Ito ang pinaka-buto sa likod ng iyong pagkamal ng napakalaking salapi at kapangyarihan.
Marami silang mga dahilan kung bakit hindi nakasamba, humanap ka sa aklat ng pangsagot. Pagtagni-tagniin mong uli ang mga munting talata na nasa aklat. Durugin mo ang iba't-iba nilang mga pangangatwiran ng pagpapabaya. Ang mga leksiyong yaon ay magbubunga ng takot sa kanila na hindi na nila pababayaan ang pagsamba.
Kung mayroong isang libong tao ang hindi nakasamba gayun din ang bilang ng hindi nakapagbigay ng salaping abuloy. Malaking salapi din iyon na sana kung nakasamba sila ay dagdag kayamanan din iyon sa iyong relihiyon.
Sa panahon lang ng mga pagsamba magagawa mong i-brain-wash o lasunin ang pag-iisip ng ang inyong mga kampon, sa panahon din ng mga pagsamba magagatasan mo sila ng salapi lalo na kapag sinabi mo na lalo silang mababanal at uunlad kung buong puso nilang pagtalagahan ang mga pagsamba. Iukit mo sa kukote nila na kaya ang tao nilalang ng Diyos ay para sumamba sila at tungkulin nilang bahaginan ang Diyos sa mga bagay na bigay din ng Diyos sa kanila.
Iturong lagi sa kanila na ang Diyos ng naghihintay sa kanila sa pagsamba kaya espesyal sila sa pagkakatipong yaon lalo na kapag naghandog sila ng sagana, nagbagong buhay, naka-hikayat ng mga karagdagang mga miyembro at nagpasakop sa iyo. Kapag binabasa mo ang mga yan sa aklat na batayan ng kanilang paniniwala ay luluha sila sa kagalakan at ikaw naman ay ganoon din dahil sa napakaraming pasok ng salapi. Kaya ipagdiinan mong lagi na pagtalagahan ang pagsamba.
Ang templo na kanilang pinupuntahan para sumamba ay ang pinaka-merkado mo. Ang isang pamilihan na walang pumaparoon ay bumabagsak at nagsasara. Kapag wala ng dumadalo sa mga pagsamba sa iyong relihiyon ay babagsak ang iyong negosyo.
Kapag walang pagliban ang kanilang mga pagdalo ito ay nangangahulugan na kontrolado mo sila. Nasa bulsa mo silang lahat. Namamalaging nakalutang ang iyong relihiyon. Tingnan mo na ang bawat dumadalo, bawat mananamba ay bukal ng salapi na pang habang-buhay. Hindi mo na kailangan pa na magbahay-bahay para manghingi ng salapi, sila ay paroroon sa templo, magkakatipon upang magbigay ng lingguhang buwis.
Sa relihiyon ay daig mo pa ang gobyerno. Sasamba sila sa Diyos ngunit ang nasa likod ng Diyos ay ikaw, inihihiyaw mo lang sa harap nila ang pangalan ng Diyos at ang mga utos Niya, dito nama-magneto ang tao lalo ng ang mga taong mahihirap, tanga at mga tamad. Kung sarili mo ang iyong itatanyag sa panghihingi ng salapi kahit gaano ka pa kahusay hindi mo sila mapapakilos ng magaan at lalong hindi mo makukuha ang kanilang salapi. Ang Diyos lang ang makapagpapalabas ng salapi ng tao.
Ang Diyos ay parang trumpeta sa digmaan na oras na hipan ay kumikilos ang lahat ng mga mandirima putungo sa labanan na hindi alintana ang kamatayang naghihintay. Sa oras na lagi mong banggitin ang Diyos sa mga pagsamba, parang iisang tao ang iyong mga mananamba na maglalabas ng mga salapi sa ngalan ng paglilingkod na hindi na alintana ang gutom na naghihintay sa kanila. Busog sila dahil sa nadinig nila na ibabalik din ng Diyos sa kanila ang kanilang mga inabuloy sa anyong pagpapala. Iyan ang samantalahin mo hanggat hindi pa nauuntog ang ulo nila sa pader para magising at makalabas sa kapangyarihan ng hipnotismo.

Sort:  

Congratulations @mwriter723! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

By upvoting this notification, you can help all Steemit users. Learn how here!

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.21
JST 0.038
BTC 98326.85
ETH 3625.07
USDT 1.00
SBD 3.83