Ano ang tinatawag na BAYANIHAN at paano ito isinasagawa? | Charity Work 2018

in #charity7 years ago (edited)

January 8, 2018

Panimula: Kumusta mga kababayan ko? Handa na ba kayong tumulong?! Alam nyo ba ang salitang "Bayanihan"? Meron tayong tutulungang kababayan na nasunugan. Kagyat na tulong ang kailangan, ngunit alamin muna natin ang salitang bayanihan bago tayo magpatuloy.

DIWA NG BAYANIHAN

Ang BAYANIHAN ay isang salitang Pilipino na nagmula sa salitang bayan na nangangahulugang bayan, bansa, o komunidad sa pangkalahatan. Ang "Bayanihan" ay literal na nangangahulugang, "pagiging isang bayan," at sa gayon ay ginagamit upang sumangguni sa isang diwa ng pagkakaisa at pakikipagtulungan ng komunidad.

hindi isang grupo! Kung di, isang bansa! Bansang nagkakaisa ng diwa sa pagtulong...

Ang espiritu ng Bayanihan ay nagpapakita ng konsepto ng mga Pilipino na tulungan ang isa't isa lalo na sa mga oras ng pangangailangan na walang inaasahang anumang kapalit. Ang mga Pilipino ay lubos na naniniwala sa pagtulong sa kanilang "mga kababayan" sa anumang posibleng paraan na magagawa nila upang mapalawak ang tulong. Isa itong magandang pag-iisip ng Pilipino na tumutulong sa isa't isa. Ang espiritu ng Bayanihan ay buhay pa rin, mayroon pa ring mga tao sa mga lugar sa kanayunan na naglilipat ng kanilang bahay sa ibang lugar at tumutulong pa rin ang mga tao. Bukod dito, ang espiritu ng bayanihan ay naninirahan sa mga Pilipino kahit na sa mga modernong araw at ipinapakita sa maraming paraan, tulad ng kapag ang mga kalamidad ay nagaganap. Ang mga Pilipino ay lalabas upang tulungan ang kanilang mga kababayan na nangangailangan. Ang espiritu ng bayanihan; isa sa maraming magagandang bagay na pag-aari ng mga Pilipino at maaaring ipagmalaki.

PANAWAGAN


Marahil may nagabot na ng paunang tulong upang sila ay makasulong. Si Theree Dimacutac a.k.a @theree2389 ay nagtatrabaho dito sa United Arab Emirates, Dubai, sa Airport. Nagkasundo ang mga Filipino ng STEEMIT-UAE na magpahatid ng kaunting tulong sa napinsala ng sunog. Kabilang ang tahanan ng pamilya ni Theree sa nasunog! Apat na bahay ang natupok ng apoy. Wala naman pong napahamak sa lahat, salamat sa Dios. Ngunit kailangan ng bawat pamilya ang mga sumusunod,

  • damit - pangbata at matanda
  • tsinelas - pangbata at matanda
  • pang loob - pangbata at matanda
  • medyas - pangbata at matanda

Nais ng mga Filipino ng STEEMIT-UAE na makatulong kahit sa maliit na paraan. Hinihingi din namin ang inyong kooperasyon sa gawaing ito sa lahat ng tao sa steemit. Kung nais nyo makatulong sa gawaing ito sa abot ng inyong makakaya, maari sa iba't ibang paraan.

  1. Sa pamamagitan ng inyong upvote at resteem
  2. Donasyon ng SBD at ilagay lamang ang MEMO na CHARITY at ipadala sa akin upang pagisahin.
  3. Sa mga naninirahan sa UAE, maari din naman magbigay ng mga materyal na bagay.

Inaasahan po namin ang inyong pagtugon sa panawagan na ito. Nawa po ay makatugon agad ang lahat sa panawagan na ito at nang sa ganun ay makarating agad ang tulong sa mga napinsala ng sunog.

Ipadadala ang mga makakalap na pangangailangan sa pamamagitan ng AIR CARGO upang mapadali ito. Kailangan lamang hintayin ang payout upang isabay na sa lahat at magamit pambili ng pangangailangan.

Salamat, @bayanihan...


Have you voted your witness?

Consider casting your witness votes for @steemgigs (@surpassinggoogle), @precise, @cloh76.witness, @ausbitbank, @teamsteem, @gmuxx, and @curie who have been adding an invaluable contribution to the community.

To cast your votes, just go to
https://steemit.com/~witnesses

Sort:  

Upvoted and re-steem sir! Sana may mahabag pang puso para makalikom kayo ng halagang kaniyang kakailanganin.

yung makakatulong ka sa mga tao na needed badly :-)

sana mka recover lahat ng victim such a tragic

sna mk recover agad cla @theree2389, at more power s lht ng gmgwa ng way pra mk help.

Magbibigay po din ako sir :) send ko po sa inyo...

100% upvoted. Tulong2 tayo kabayan bago palang ako dito sa uae gusto makasama sa group ditoo sa Uae

Kontakin mo ako... isasama ka namin sa samahan... STEEMPH-UAE
Message mo ako sa FB. [email protected] @gohenry

Nagmessage na po ako sa fb sir

100% upvote pag meron pa ako exra send ko din thanks

https://steemit.com/@juviemaycaluma
upvote and follow me , , i follow u also .. thanks

Good move

Join soon

Upvoted and resteemed. Also praying sakanila.

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.20
JST 0.037
BTC 96295.92
ETH 3577.12
USDT 1.00
SBD 3.74