"Literaturang Filipino: Yamang Marikit"

in #cebu7 years ago (edited)


sUKcnpGEudsdsBXJkK6icK.jpg

Sa isang malayong probinsya sa timog-silangang bahagi ng Mindanao nakatira ang pamilya Santiago. Si Fred at si Ana ay may tatlong anak, sina Alwin, Susan at Rosa. Lahat ng kanilang mga anak ay may problema sa pag-iisip at sa itsura. Buhat nito, sila'y kinamuhian at pinandirihan ng mga tao sa kanilang nayon.

unknown_by_abnormal_child-d5jcufa.jpg

Hindi madali ang pinagdaanan ng mag-asawa. Hindi nila mailabas at maipasyal ang mga anak dahil sa mga mata na maaring manakit dito. Labis ang lungkot at sakit na kanilang nadarama sa tuwing mayroong nanlalait sa kanilang mga anak.
Ngunit sa kabila ng mga masasakit na salitang natanggap nila sa ibang tao, hindi nawala ang pananampalataya nila sa poong maykapal. Pinalaki nila ang mga anak na may takot at pananalig sa diyos.

img_0018.jpg

Para sa mag-asawa ang kanilang pamilya ang pinakamagandang yaman na kanilang iniingat-ingatan. Ang kanilang mga anak ang nagbibigay sa kanila ng inspirasyon at tibay ng lood para ipagpatuloy ang agos ng buhay. Hindi naging madali ang kanilang pakiki-baka upang maitaguyod ang kanilang pamilya. Simula sa pagtatanggol sa mga anak mula sa mga mapang-husgang mata ng mga tao hanggang sa pagtaguyod nila sa kanilang bukid.

11139429_932670220117864_5975592592791658480_n-2000x900.jpg

Si Fred ang nag-aasikaso sa bukid at si Ana naman ang nag aalaga sa kanilang mga anak. Habang lumalaki ang mga bata, unti-unti nilang gustong makita at maranasan ang buhay sa labas ng kanilang bahay. Gusto nilang pumasok sa paaralan at makihalubilo sa ibang tao.

panalangin ng estudyante.jpg

Naglakas loob ang mag-asawa na ienroll ang mga anak sa isang paaralan sa kanilang nayon.
Pagkapasok nila sa paaralan ay agad naranasan ng kanilang mga anak ang lupit ng mga matang nakatutok sa kanila. Habang tumatagal ay hindi narin mabilang ang mga masasakit na salitang kanilang narinig mula sa mga tao. Sa kabila nito, hindi nawalan ng lakas ng lood ang magkakapatid.

608-13.jpg

Isang araw nagdaos ng patimpalak ang paaralan at inanyayaan ang lahat ng mag-aaral na sumali. Tuwang-tuwa ang magkakapatid ng malaman nila ang tungkol dito.
Sa araw ng patimpalak, akmang magsisimula na sana sila sa kanilang itatanghal ng bigla silang batuhin ng mga kapwa nila estudyante habang sigaw ang mga katagang "salot".

tear_drop_by_joscos.jpg

Sa harap ng maraming tao ay ipinagtanggol ng makakapatid ang kanilang sarili. Habang dumadanguyngoy at umaagos ang kanilang mga luha ay paulit-ulit nilang sinasabing "kami'y mga bata lang din na gustong maranasan ang mga nagagawa ng mga normal na bata".

door-080817.jpg

Ilang araw nilang ikinulong ang kanilang sarili. Lubhang nag-aalala na ang mag-asawa sa maaring mangyari sa kanilang mga anak.
Isang umaga, nadatnan nilang naghahanda nang pumasok ang mga anak sa paaralan at ito'y kanilang ikinatuwa. Nakangiting sinabi ng mga anak na kakayanin nila ang anumang masasakit na salita na maririnig nila sa kanilang pagbabalik.
Papasok na sana sila ng paaralan nang bigla silang harangin ng mga kaklase upang humingi ng tawad. Umiyak ang magkakapatid at masaya itong ibinalita sa kanilang mga magulang.

Himala itong itinuturing ng pamilya Santiago sapagkat akala nila'y hindi na darating ang araw na sila'y matatanggap at mamahalin ng mga taong nakapaligid sa kanila.

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.25
JST 0.039
BTC 96923.38
ETH 3370.74
USDT 1.00
SBD 3.55