The Diary Game Season 3, Week #18 / September 11, 2021 / Not a good day pero kailangang sumaya

in #betterlife3 years ago (edited)

Magandang buhay mga @Steemitphilippines family. Kamusta naman po ang araw niyo? Ako po ay medyo hindi maganda ang simula ng umaga ko. Pero dahil kasama ang pamilya kaya dapat bawal ang sad dapat happy.

Simulan ko po sa aking pag gising. Syempre po pasalamat po tayo kay papa God dahil ginising na naman niya tayo para magsimula ulit.

Tapos po ang una kong hinanap ay ang aking phone dahil naalala ko po kagabi na meron po pa lang nagpacash out sa akin sa gcash.

Share ko lang po sa inyo ang naisip namin ni habibi na munting negosyo bilang ako nga po ay parati rito sa bahay at siya naman po ay namamahala sa aming munting printing shop.

Nagsimula po ito noong August 2021 nung nagiisip po kami kung ano pa po ba ang pwede naming pagkakitaan para kahit na ako'y andito sa bahay ay mayroon kaming extra income na pwede namin ipunin ang tutubuin nito.

At habang naghahanap kami ni habibi sa internet ng mga small business ideas ay bigla naming nakita itong GCash "Cash in & Cash out".

received_1255950628178731.jpeg

Tinignan po namin kung paano ang proseso at kung ano ang mga kailangan upang mag umpisa nito. Kaya nagsimula po kaming ihanda ang mga kailangan namin upang makapagsimula na sa naisip naming negosyo.

Unang inihanda po namin ay ang pag eedit ng details na kailangan nmin ilagay sa tarpaulin. Sumunod naman po ay kung magkano ang kailangan na icharge per transaction kapag sila ay mag cash in and cash out sa amin. At ang pinakaimportante ang cellphone na may gcash application na may lamang pera at cash on hand para sa cash out.

Alam po namin na hindi pang malakasan ang munting negosyo na ito ngunit naniniwala po kasi kami na ang maliit o konting tubo kapag pinagsama sama ay lalaki rin.. lakas ng fighting spirit namin! Haha. Pero ganyan po kami mag isip ni habibi kaya kahit maliit na kita pinapatos na po namin basta legal.

Kaya nung unang araw ng August 9, 2021, nagsimula na kaming ikabit sa labas ang tarpaulin na pinagawa namin.

IMG_20210911_224115.jpg

At nang august 11, 2021, nagsimula na kaming magkaroon ng customer. Unang araw dalawang tao lang yung nag pa cash in samin at hanggang sa dumating ang araw na dumami na sila at pati sa printing shop ni habibi naglagay na rin siya ng signage at ang proseso namin dun tatawagan ako ni habibi sasabihin na may gustong mag pacash in or cash out saka niya isesend ang details ng customer. Name, contact number at kung magkano ang gusto niyang icash in or cash out sa amin. Ganito ang araw-araw na tandem namin ni habibi kaya laking pasalamat ko at sa ganung bagay ay nagkakasundo kami.

Lumipas ang araw na nagtuloy-tuloy ang ganong sitwasyon namin ni habibi hanggang sa dumating ang araw ngayon na pag kagising ko ay may isang customer na gusto mag pacash in pero ang bayad ay mamaya pang hapon. Itong customer na ito ay hindi ko masyadong kilala. Nakilala ko lang dahil siya ay naging suki namin sa gcash at masasabi ko naman na maayos magbayad ngunit ang term ng payment niya ay hindi payment first kundi magmemessage sakin at magpapacash in tapos magbabayad later or bukas. Nasanay na rin ako na ganun siya kasi iniisip ko okay lang magbabayad din naman siya dahil nakailang beses na siyang nagpapacash in at cash out samin wala naman naging problema except nitong umaga na dalawang magkasunod na beses siyang nagpacash in ng 500php at sa hindi inaasahang pangyayari, hindi niya raw natanggap ang isang load at siya ay nagreklamo sa akin.

Ngunit ako naman ay agad na umalma at sinend ko ang mga confirmation na natanggap ko mula sa gcash.

IMG_20210911_230238.jpg

IMG_20210911_230412.jpg

Ngunit patuloy niya pa rin sinasabi na wala siyang natanggap at ang nanay niya ay nagagalit na at ayaw bayaran ang niload ko sa kanila. Kaya ang ginawa ko po ay ipinaliwanag ko po sa kanila na tama naman po ang aking ginawa at ipinakita ulit ang hawak ko na ebidensya ngunit patuloy pa rin sila sa pag sasabi na wala silang natanggap kaya ako na po ang nagtanong sa iba kung paano ang gagawin at sinabihan sila na maghintay bukas upang makita ang transaction history nila para malaman kung nasaan napunta ang 500 na niload ko sa kanila.

Sa totoo lang po sobrang nastress po ako sa kanila dahil hindi po nila ako tinantanan simula umaga hanggang hapon kaya ang sinabi ko po sa kanila bayaran po lahat ng pinaload nila at hindi na po sila makakaulit sakin. Sa konting tubo pero yung stress na binigay nila sakin maghapon siguro po sapat na po yun para tanggihan ko na sila at mas mabuting humanap na lang sila ng ibang mapag cash in at cash out nila. San po ba sila makakahanap na imemessage ka lang na wala pang bayad may instant load na agad sila di ba po? No hassle sa part nila dahil wala naman na pong ganun sa panahon ngayon pero masyado po akong naging mabait kaya minsan may mapagsamantala talaga. Sabi ko nga po eh, nagsisikap ako kumita kahit maliit na tubo dahil wala akong work pero kung mastress lang po ako sa kanila ay ayoko na po sila katransact. Mas maganda po na mabawasan yung tutubuin ko kesa naman po mawala yung peace of mind ko dahil sa kanila. Tapos biglang sasabihin niya po na babayaran next week kapag nagkapera. Wala na lang po akong nagawa kundi pumayag. Minsan talaga masamang masyadong mabait hindi nakakabuti paminsan. Kaya simula po ngayon natuto na po ako talaga.

Well, kwentong gcash pa rin po tayo. Gusto ko lang din po ishare na nagtayo na po kami ng isang branch ng gcash sa mga kamaganak ko po sa ibang lugar mga 15mins na byahe po simula sa bahay po namin hehe.

received_248569853940200.jpeg

Actually po naisipan lang po namin ng ate ko na maglagay dun sa amin para yung kalahati ng kita ay paghahatian ng mga pamangkin ko po kasi sila ang pinamamahala ko po dun pero ako pa rin po ang magtransact dito sa bahay. Binigyan po namin sila ng pondo para sa cash out at inexplain sa kanila kung paano ang gagawin na proseso.
Hindi man naging maganda ang simula ng umaga ko pero nagtapos naman ito sa panibagong saya para sa mga pamangkin ko. Usapan po kasi namin na lahat ng maisipan namin na pagkakakitaan ay ibabahagi ko sa kanila para bata pa lang ay matuto na sila mag ipon.

Ang mga edad ng aking pamangkin ay 20, 14 and 15 babae at lalaki. Mga nagaaral pa sila ngunit sinabi ko na isabay lang ito sa pag aaral habang wala pang face to face. Syempre priority pa rin ang pag aaral. Ito lamang ay karagdagan para makaipon sila.

Natuwa naman sila dahil kahit paano mayroon silang income kesa nasa bahay at wala naman masyadong ginagawa after ng school nila. Masaya rin ako para sa kanila dahil matutulungan ko sila sa simpleng bagay dahil ang lagi kong sinasabi sa kanila dapat magtulungan lang at mahalin ang pamilya dahil yan ang hindi mang iiwan sayo kahit anong mangyari.

Pag uwi naman po namin dito sa bahay ay nagluto si habibi ng paborito kong ulam.. Ang hipon na kahit araw-araw na ulamin ay hindi po ako magsasawa hehe.

FB_IMG_1631354342545-01.jpeg

Napasaya ako ni habibi at napawi ang stress ko sa buhay hehe. Sira na naman diet ko at mapapalaban na naman sa kanin! Kaya salamat habibi sa made with love mong paulam.

At after po kumain ay naisipan po ni habibi kasama ang aming mga anak na maglagay ng mga glow in the dark na stars.


IMG_20210911_173505.jpg

IMG_20210911_173420.jpg

IMG_20210911_214816.jpg

Tuwang tuwa na naman po ang aming mga anak kaya panay patay sindi ng ilaw namin dito sa kwarto hehe.

Hanggang dito na lang po ang aking munting diary. Naway nakapulot po kayo ng aral sa aking munting kwento.

Nais ko po imbitahin sina mommy @jurich60 @jewel89 at @austhalia

Nagmamahal,
@chy07

Sort:  

Hindi biro ang 500 sa panahon ngayon kaya praying maibalik nila sayo momsh @chy07
..Since 2018 yan ang ginagawa ko chy ang magpa cash-in/cash-out,loading, at bills payment via gcash. Pero on/off nga lng hehe.

Babayaran niya daw mamsh pero next week pa.. nakakatawa nga kasi pinapacheck ko ang history niya sabay sabi na okay na daw yung kapatid ng nanay niya yung gumamit at naglaro. Alam naman na pala nila kahapon pa hindi pa nila sinabi agad..kaloka..

Wag kana makipag transact sakanila. & Lesson learned nadin yan wag ka magpapa cash in/out hanggat hnd nasesend sayo pera tska mapakita na pumasok tlga.

Oo tama. Last na din nila yun kahit magmakaawa sila. Kasi ako yung naapektuhan ng bongga eh. Maghapon ko inisip yun.

Hmm yon lang mahirap may mga customer talagang makulit ingats ka Sis Chy dyan sa mga ganyan. Nice ang glow in the dark tingnan at hmm ka sarap naman ng hinanda ni Habibi mo, fave ko din yan but umiwas nalang ngayong senior cit na ako.

Opo mi. Alam na po nila kung san napunta yung pera. Opo mi hirap po kapag may edad na maraming bawal dapat more on fruits and vegetables na po hehe.

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.26
JST 0.040
BTC 97807.69
ETH 3616.29
USDT 1.00
SBD 3.38