Baybayin — Imbento ng mga Kastila?

in #baybayin6 years ago (edited)

Ang mga katutubong Tagalog bago pa dumating ang mga Kastila ay may karunungang bumasa't sumulat [literasiya] ayon kay Pedro Chirino, ang isa sa mga kauna-unahang taga-Europa na naglathala ng kanyang pag-aaral tungkol sa Baybayin sa kanyang aklat na Relacion de las Islas Filipinas (1890). Ika niya sa kanyang paghanga sa Tagalog:


Salin:
"Sa lahat ng ito, ang pinakamalugod sa akin ay ang Tagala. Dahil, tulad ng sinabi ko sa unang Obispo, at pagkatapos ay sa ilang mga seryosong tao, narito at narito, matatagpuan ko sa apat na katangian, sa apat na pinakamahusay na wika sa mundo: Hebreo, Griyego, Latin, at Espanyol. Mayroon itong mga misteryo at kalabuan ng Hebreo; ang mga artikulo at mga pagkakaiba sa pantangi pati na rin sa pangngalang pambalana ng Griyego; ang kapunuan at kagandahan ng Latin; at ang kadalisayan, kabutihang-asal, at kagandahang-loob ng Espanyol."


Sa aklat naman na Sucesos de las Islas Filipinas (1609) ay ikinuwento ni Antonio de Morga na ang mga katutubo ng Maynila, na tinawag niyang mga Tagalo, ay magagaling sumulat:


Salin:
"Ang mga naninirahan sa lalawigan ng Maynila, ang mga Tagalo, ay may sariling wika, na napakasagana at mayaman, na sa pamamagitan nito ay maaaring ipahayag nang elegante ang anumang nais, at sa maraming mga paraan at kaugalian, at hindi mahirap matutunan o bigkasin."

Ngunit kahit anong papuri tungkol sa literasiya ng mga Tagalog noon ang ipinahayag nina G. Chirino at G. Morga ay may mga ilang manunulat at historyador ang hindi sumasang-ayon dito.

Pagdududa sa Panitik na Baybayin

Kung ang layunin ng pagsusulat gamit ang sinaunang Baybayin ay limitado sa personal na paggamit, ang pangangalaga ng manuskrito nito ay hindi mabibigyan ng matinding konsiderasyon at pag-iingat. Ngunit, kung ginawa ang mga pagsulat bilang mga inskripsiyon sa mga gusali at mga monumento, o isinagawa bilang tradisyonal na sining tulad ng kaligrapya ay maaaring mailigtas ang ilan.


Kaya, ang isa sa mga naglabas ng dudang ganito ay ang Pranses na si Eugene Jacquet. Sa kanyang aklat na Nouveau Journal Asiatique (1831) ay sinabi niya na walang mga manuskrito ang Baybayin:


Salin:
"Kahanga-hanga, sa malawak na bilang ng mga gramatika at bokabularyo ng lahat ng mga dialekto, sa anumang format at petsa na nakalimbag sa Maynila at Sampaloc, wala pang nagbigay ng isang larawan ng mga alpabeto na nagpapahayag ang mga wikang ito sa orihinal na mga manuskrito..."

Hinamon ni G. Jacquet ang mga Kastilang misyonero na patunayan ang kanilang ginawang muling pagsasatranskripsyon ng mga simbolo ng Baybayin. Ipinahayag niya na ang mga simbolo ng Baybayin ay walang kasamang tunay na mga dokumento at ang mga ito'y binuo lamang ng pananaw ng isang dayuhan.

Baybayin — Ipinangalan ng mga Kastila sa Alpabetong Tagalog

Ang kawalan ng mga sanggunian sa orihinal na mga manuskrito o teksto ng Baybayin, ayon kay G. Jacquet, ay siyang dahilan kung bakit hindi mapatunayan ang pagkakaroon ng tunay na Baybayin.


Lalong naging kontrobersyal nang isulat ni G. Jacquet na binuo lamang ng mga Kastila ang salitang "baybayin" bilang katawagan o pangalan ng pinagsama-samang labimpitong titik (17) o simbolo.


Salin:
"Ang pulong ng mga labimpitong titik na ito ay pinangalanan sa mga tala ng Tagala, baybayin (El ABC Tagalo). Madali nating maunawaan na ang salitang ito ay bagong pagbuo at na ito ay naisip ng mga Kastila..."

Implikasyon sa Pahiwatig ni Eugene Jacquet

Ang pagbuo ng mga simbolo ng alpabetong Tagalog at ang pagtawag dito ng mga Kastilang misyonero na "Baybayin" ay nangangahulugan ba na ito'y isang pagkukunwari ng pangangalaga sa wika, sistema ng pagsulat, at kultura ng mga sinaunang katutubong Tagalog na nawasak sa panahon ng pananakop?

Kung ang Baybayin ay kathang-isip lamang ng mga mapanakop na dayuhan, ito ba ay isang kolonyal na pamamaraan ng paghuhugas-kamay sa paglapastangan sa literasiya ng mga katutubong Tagalog?

Ang Baybayin ba ay nagmula lamang sa imahinasyon ng mga Kastila?

Ano ang inyong masasabi?




Sumali sa aming diskusyon sa Facebook:


FB Page | Baybayinista
FB Group | Baybayinista
BAYBAYIN: B17 Ang Tunay na Baybayin
Sulong Baybayin Abril 21 #SBA21

Sulong Baybayin!
Mabuhay ang Baybayinista!

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.20
JST 0.038
BTC 94956.90
ETH 3542.14
USDT 1.00
SBD 3.80