Baybayin [BA17] ng Doctrina Christiana
"El abc en lẽgua tagala" o "Ang abc sa wikang tagala" ang ipinangalan sa Baybayin ng Doctrina Christiana (1593). Ang Doctrina Christiana ang pinakaunang aklat na naimprenta sa Pilipinas ayon sa ilang historyador.
Baybayin sa Doctrina Christiana
Ang Baybayin sa Doctrina Christiana ay binubuo ng labimpitong (17) simbolo o karakter [3 patinig, 14 katinig]. Ang mga simbolo ay makikita sa ganitong ayos:
A, O/U, E/I, Ha, Pa, Ka, Sa, La, Ta, Na, Ba, Ma, Ga, Da/Ra, Ya
NGA, Wa ||
3 PATINIG
Sa Baybayin ng Doctrina Christiana ay may tatlong (3) patinig [A, E/I, O/U]. Ang simbolo ng /e/ at /i/ ay iisa. Ang karakter ng /o/ at /u/ ay iisa rin.
14 KATINIG
Ang labing-apat (14) na katinig ay ang mga sumusunod: Ba, Ka, Da, Ga, Ha, La, Ma, Na, NGa, Pa, Sa, Ta, Wa, at Ya.
Dahil ito's isang abugida, ang bawat katinig ay may kasamang patinig na /a/. Ang patinig na /a/ ay nagbabago sa pagbigkas kapag ang marka o kudlit ay inilagay sa itaas o sa ibaba ng katinig.
May kakaibang simbolo na ginamit para sa isang katinig at ito'y tinawag na di-kilalang simbolo ni Ramon Guillermo, ngunit kalaunan ay ipinakilalang /Sa/ dahil kawangis ng simbolong /Sa/ ng panitik Bisaya ni Domingo Ezguerra (1747).
Patpat na Bantas
Sa Doctrina Christiana, ang Baybayin ay may kasamang dalawang patpat ||.
| - Ang patayong guhit na makikita na kasama ng Baybayin ay tawagin nating "patpat" dahil ito ang katumbas sa Tagalog ng "stick" o "danda" na ginagamit bilang bantas sa paghihiwalay ng mga salita o pangungusap sa panitik ng India na Devanagari.
Tandaan, walang pamatay-patinig o virama sa BA17 o B17 ng Baybayin sa Doctrina Christiana.
Sumali sa aming diskusyon sa Facebook:
FB Page | Baybayinista
FB Group | Baybayinista
BAYBAYIN: B17 Ang Tunay na Baybayin
Sulong Baybayin Abril 21 #SBA21