Baybayin [BA15] ni Pedro Chirino
Sa aklat ni Pedro Chirino na Relacion de las Islas Filipinas (1890) ay ipinakita niya ang labinlimang (15) simbolo ng Baybayin na may tatlong (3) patinig [A, E/I, O/U] at labindalawang (12) katinig [Ba, Ka, Da, Ga, Ha, La, Ma, Na, Pa, Sa, Ta, Ya].
3 PATINIG
Sa Baybayin ni G. Chirino, ang tatlong (3) patinig ay ang mga /a/, /e-i/, at /o-u/ at ito ay bigkas-Tagalog, hindi binabasa na /ey/, /ay/, at /yu/ na bigkas-Ingles. Ang /e-i/ ay magkapareho ang simbolo at /o-u/ ay magkaparehas din ang simbolo o karakter.
12 KATINIG
Ayon kay G. Chirino, ang mga katinig ay labindalawa lamang (12):
"Ang mga konsonante ay hindi hihigit sa labindalawa, at nagsisilbi sila sa pagsulat ng katinig at patinig, sa ganitong paraan."
Ang bawat katinig naman nito ay isinusulat na may kasamang patinig na /a/:
Ba, Ka, Da, Ga, Ha, La, Ma, Na, Pa, Sa, Ta, at Ya.
Tandaan, walang pamatay-patinig o virama sa BA15 o B15 ni Pedro Chirino.
Sumali sa aming diskusyon sa Facebook:
FB Page | Baybayinista
FB Group | Baybayinista
BAYBAYIN: B17 Ang Tunay na Baybayin
Sulong Baybayin Abril 21 #SBA21