Bakit walang Nga at Wa sa Baybayin ni Chirino?
Sa aklat na Relacion de las Islas Filipinas (1890) ni Pedro Chirino ay mariin niyang sinabi na "Ang mga konsonante ay hindi hihigit sa labindalawa..." Ang labindalawang (12) katinig ay Ba, Ka, Da, Ga, Ha, La, Ma, Na, Pa, Sa, Ta, Ya. Doon ay nalaman natin na ang bilang ng mga simbolo ng Baybayin ni G. Chirino ay labinlima (15) lamang [12 katinig at tatlong (3) patinig [A, E/I, O/U] kaya tinawag natin itong BA15/B15 Chirino.
Pero bakit nga ba walang /Nga/ at /Wa/ sa Baybayin ni Chirino?
Kawalan ng Nga at Wa sa Baybayin
Mula sa aklat na Barangay Sixteenth Century Philippine Culture And Society (1994) ay tinalakay ni William H. Scott ang tungkol sa pagkakaiba ng ortograpiya ng Pilipinas at Espanya. Sa ating pagsasaliksik tungkol sa /Nga/ at /Wa/ ay nalaman natin dito ang dahilan ng kawalan ng mga simbolo nito sa Baybayin ni Chirino.
Ayon sa Amerikanong historyador ay walang /Nga/ at /Wa/ sa alpabeto ng Kastila:
Dahil walang /Nga/ at /Wa/ sa alpabetong Espanyol ay kinaligtaan na lamang ni G. Chirino ang mga katinig na ito. Ito ang naging palagay ni G. Scott kung bakit walang /Nga/ at /Wa/ sa Baybayin ni G. Chirino.
Ano ang inyong masasabi?
Sumali sa aming diskusyon sa Facebook:
FB Page | Baybayinista
FB Group | Baybayinista
BAYBAYIN: B17 Ang Tunay na Baybayin
Sulong Baybayin Abril 21 #SBA21
Congratulations @baybayin! You have completed the following achievement on the Steem blockchain and have been rewarded with new badge(s) :
Click here to view your Board
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
To support your work, I also upvoted your post!
Do not miss the last post from @steemitboard:
Vote for @Steemitboard as a witness and get one more award and increased upvotes!
Thanks, @steemitboard! ^^