May Pakinabang Parin Ang Basurang Sinayang Niya: Craft Tutorial Hugot Version

in #art7 years ago (edited)

Hi mga bes, oo alam ko, napa-click ka dito dahil nakita mo ang salitang “basura”. Bes, malapit na ang Araw ng mga Puso pero hanggang ngayon, hindi ka pa rin nakakamove-on sa Araw ng mga Patay. Hanggang ngayon, pinagluluksa mo pa rin ang namatay ninyong pag-iibigan. Bes, ‘wag kang mag-alala dahil sa tutorial na ito, ipapaalala ko sa’yo ang lahat ng sakit na pinagdaanan mo. Ngunit ipapaalala ko rin sa’yo kung gaano kahalaga ang “basurang” sinayang niya.

Unang-una, ano nga ba ang ating gagawin? Bes, gagawa tayo ng isang flower vase o plorera gamit ang mga bagay na itinuturing na nating basura, gaya ng pagturing niya sa iyo. Kung gaano ka niya kabilis na iniwan, ‘yun rin kabilis ang paggawa nito. Bes, handa ka na ba? Bes, kayanin mo! Maging handa ka dahil sa ayaw at sa gusto mo, kailangan nating magmove-on. Kailangan nating magmove-on kung paano gagawin ang plorerang ito.

The Colorsof Summer.png

Ngayon bes, kailangan na nating maghanda. Bes, tumingin ka sa paligid mo, gusto kong hanapin mo hindi ang mukha nya pero ang mga bagay na babanggitin ko. Mga bagay na akala mong wala nang silbi gaya ng pagturing niya sa iyo.

CD.png

Plastic Bottle. Bes, yung malaki ha, yung 1.5 Liters. Oo, malaki, kasinlaki ng pagmamahal mo sa kanya, ngunit ang sinukli niya naman ay sakto lang, hanggang yung sakto ay naging zero na. Bes, pwede kang kumuha ng Coke, Sprite, o Pepsi Plastic bottle pero mas piliin mo yung Royal Tru-Orange. Bes, alam na alam kong naging Royal ka sa kanya. Alam kong Tru na Tru ang pag-ibig mo, ngunit mas pinili nya yung fOranger na nakilala nya sa Tinder.

CD. Bes, kunin mo yung CD na wala nang pakinabang sa’yo. Yung paulit-ulit mo nang pinanood hanggang sa nagsawa ka na, gaya ng pagsawa niya sa iyo. Yung paulit-ulit kang pinatawa at pinakilig ngunit sa huli ay paiiyakin ka lang pala. Oo bes, alam ko. Ganyang-ganyan din ang ginawa niya sa’yo.

Cutter. Bes, maawa ka, may mga nagmamahal pa sa’yo kaya’t ‘wag na ‘wag mong gagawin ang iniisip mo. Bes, gagamitin natin ito sa paghiwa ng plastic bottle mamaya, gaya ng paghiwa niya sa puso mo.

Glue Stick. Bes, mas okay tong pandikit, tulad ng pagdikit ng jowa mo sa fOranger na ipinagpalit niya sa’yo.

Paint/Pintura. Bes, ilang buwan na bang madilim ang buhay mo? Hayaan mo bes, kukulayan natin yan ngayon. Pumili ka ng kulay na naging tema ng couple shirt 'nyo noon.

O ayan bes, may nakalimutan pa ba ako? Gaya ng paglimot niya sa’yo? Tingin ko wala na. Gano’n din naman siya sa’yo diba?

PASTE (1).png

Bes, nacheck mo na ba yung plastic bottle? Bes, icheck mo kung may laman pa ba. Alisin mo lahat ng laman gaya ng pag-alis niya sa buhay mo. Tapos bes, kunin mo yung cutter. Bes, parang awa mo na, ‘wag sa kamay ha, dun sa bote bes, sa bote. Hiwain mo ito sa kalahati, putulin mo ng maayos bes, gaya ng pagputol niya sa komunikasyon nyong dalawa.

PASTE.png

Bes, kunin mo yung ibabaw na parte ng bote at idikit mo sa CD gamit ang glue stick. Bes, siguraduhin mong matatag. Kung gaano katatag ang pagmamahalan ninyo noon, mas doblehin mo pa ngayon. I double check mo bes, punitin mo, gaya ng pagpunit niya sa puso mo. Kung matanggal man ang pagkakakapit nito gaya ng pagsuko niya sa pag-ibig nya sa’yo, bes, subukan mo ulit. Idikit mo ulit at mas papapatagin mo pa bes, gaya ng pagiging matatag mo ngayon.

CD (4).png

Eto na, malapit nang matapos bes, konting tiis nalang, tulad ng pagtitiis mo sa pagiging malamig niya sa’yo noon. Bes, pinturahan mo. Siguraduhin mong matatakipan nito lahat ng sulok ng plorera mo. Gandahan at galingan mo bes ha, sundin mo kung gaano siya kagaling nong itago nya ang pagtataksil niya sa’yo noon.

Bes, sa wakas tapos na! Pero may kulang pa rin bes diba? Sa kabila ng lahat ng pagsisikap na binuhos mo, may kulang parin. Bes, please, wag na maging shunga. Hindi siya ang kulang dito bes, kundi ang bulaklak bes. Bulaklak. Bes, alalahanin mong plorera tong ginagawa natin, bes.

1.jpg

O, ayan na. Bes, kompleto na diba? Bes, kung anuman ang pinagdadaanan mo ngayon, kung itinuring ka man nyang basura nuon, pwes, ipakita mo ‘to sa kanya bes. Ipakita mong hindi lahat ng binasura ay hindi na maganda. Ipakita mo kung ano ang halaga mo bes. Bes, gawin mong inspirasyon ang pag-iwan niya sa’yo upang bumangon ulit. Bes, maraming taong handang maging plorera mo upang suportahan ang magandang bulaklak na kagaya mo. Dahil gaya ng bulaklak na ito, ikaw ay mahalaga na dapat ingatan at hindi dapat pabayaan.

Ang Bes Mong Mapagmahal,

IMG_20180205_144830.jpg

divider-line.png

DQmaw4YCNkaAGqy93aEWv6wTQXCxGcwDj8wnK 8gz834prJj_1680x8400.jpg

follow_smaeunabs.gif

Sort:  

HAHAHHAHAHAHAHA BES ANG SAKIT MO NAMAN MAGSALITA HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHHAHAHAHAHHAHAHAHA

Nice vase though.
I might need one. Sa dami ba namang bulaklak na inalay ko sa walang kabuhay buhay kong love life

Thanks for the unlimited "HAHAHAHAHAHAHAHA" JC hahahahahaha

Adulting is so real, fck lovelife, forget lovelife hahahahah

wow! creative mind.. ",

hahahahaahh maraming salamat po, katuwaan lang :D

HAHAHAHA hasola oy. Nice one ka ate haha.

hahahahahahah nalingaw sad kog buhat ani, salamat Aaron! :D

bes natawa ako sa mga hugot mo hahaha sakit tinamaan ako bes , tingin ko march na :D salamat sa pagpost bes ;) magagamit to ni mama . Naging garden na ata bahay namin puro na halaman :D

keep it up maam

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA bes gisingin mo ko when February ends :D

hahahahahahahaha ayun! pwede mo ring gawan ng ganito ang mama mo sabay hugot. hahahahahaha thanks bes! :D

grabeh ah hugot na hugot @smaeunabs . :D Malungkot ako ngayon pero Natuwa ako sa post mo thank you for sharing :*

hahahahahahahah lingaw sad kaayo ko dri ay, nakalog naman guro ko salamat kaayo @joancabz! :D

hahhaha ayaw kakalog dnha hahah lisud na kung makalog jud ka hahah :P

Lage napay kalog na daan, cheer up beautiful! :*

Awwwee, thats so sweet of you :) This made me smile mwaaah :*

Wow @smaeunabs very creative..may hugot besh nakarelate KO.

hahahahah ambot kaha ug asa ko gikan aning hugota te oy hahahahaha salamat ate!

Based sa experience nimo @smaeunabs??hala ka eheheh

hala wala gyud te, kung kinsa patong walay experience, mao pay kusog maka hugot :D

Grabe mdzm oyyyy!!! Ikaw nagyud ang master of artz and recycling! Hahaha

Wahahahahahaha thanks girl! Kabaw ko wa gyud ka karelate sa mga hugots above coz you have a very blooming lovelife. <3

Praise the Lord girl! Hihihi as for you, that someone is still worth the wait. Excited kos imo love life ❤️ Hihi feel nako hapit na sya maabot. I think nagprepare pa sya sa iya self para mahandle niya such great, artsy and strong-minded woman like you. Hahahahah charot 😂😂😂

Diffrent varity of flower stand with beautifull colour

ang ganda.. talaga ang plastic mapapakinabang dahil pdeng eh recycle at gawing art.. pero yung plastic na pagmamahal ay basura na talaga.. pag-ibig na basura na hindi pdeng ibenta sa junk shop kasi walang tatanggap.. ang saklap..

matinding hugot po yan hehe

Coin Marketplace

STEEM 0.15
TRX 0.16
JST 0.028
BTC 67684.16
ETH 2412.87
USDT 1.00
SBD 2.33