Bitcoin: Ano ba ang Bitcoin?

in #ano7 years ago (edited)

Ano ba ang Bitcoin.

Bitcoin? Marahil narinig mo na o kaya nabasa ang salitang yan. Alam kong may ilang katanungan sa iyong isipan kung ano at paano gamitin ito. Masuwerte ka dahil hinahanap mo ang mga sagot sa katanungan na yan dahil sa katunayan ay iilang porsyento palang ng populasyon ang nakakaalam nito at ang iba ay walang interes na malaman ito kaya sinisigurado ko sayo na balang araw ay mapipilitan nalang sila na gamitin ang bitcoin.

Ang Bitcoin ay isang uri ng salapi na hindi gumagamit ng papel. Mga numero ito sa screen ng computer o smartphone na may katumbas na halaga sa pera natin. Tinatawag itong Digital Currency. Ano ang Digital Currency? Para mas lalo pa nating maintindihan ay alamin muna natin ang kasaysayan ng salapi. Hatiin nalang natin sa tatlong bahagi.

Medyo mahaba ang blog na ito dahil sinikap kong maituro ang mga mahahalagang detalye na kaylangang malaman ng baguhan na kagaya mo. Pero kung nagmamadali ka o tinatamad magbasa at gusto mo agad makagamit nito punta ka dito. > Tinatamad ako.

Pinili ko din na huwag lagyan ng mga Ads ang blog na ito para walang distraction na nakikita ang mga mambabasa. Dahil dun ay wala akong kita :( . Pero hindi ako tumatangi sa anumang tip na ibibigay mo sakin :b Kung bukal sa puso mo eto ang bitcoin address ko salamat :D
Send bitcoin here 36z5inCk36xyHjuh7w1jWct9xdtZ7npPvL

3 STAGES/ AGES OF CURRENCY

COMMODITY ( AGRICULTURAL AGE ) - Dito nagsimula ang ideya ng salapi. Eto yung panahon ng Barter kung saan ang manok ay pwedeng ipalit ng asukal, ang isang kaban ng palay ay pwedeng ipangbili ng kambing at marami pang iba. Depende ito sa napagkasunduan. Sa panahon na ito ay wala pang sukli. At kaylangan na magkasundo muna kayo ng interes kung ano ang kaylangan mo at ano ang kaylangan ng kapalitan mo.

FIAT ( INDUSTRIAL AGE ) - Ito ay yung panahon na nagkaroon na ng mga factory, makina at mga malalaking gusali. Dito na nagsimula ang perang papel. Dumami ang mga factory at nagkaroon ng mga empleyado. Nauso na rin ang paniningil ng gobyerno ng mga buwis kung saan ang kanilang tinatanggap na pangbayad ay mga perang papel. Perang papel din ang sweldo ng mga empleyado. Ginamit ang sistemang ito sa buong mundo at dahil dito ay nagkaroon ng halaga ang perang papel o fiat money.

DIGITAL CURRENCY ( INFORMATION AGE ) - Sinasabing ito ang future na salapi natin. Kung saan, hindi na tayo gagamit ng perang papel o perang nahahawakan. Ang pawang gagamitin nalang natin ay ang ating mga gadgets para makabili ng produkto at serbisyo.

Ngayong 21st Century ay nabubuhay na tayo sa Information Age. Tapos na ang industrial age ngunit ang ginagamit pa rin nating salapi ay panahon pa rin nito, ang perang papel.

Lilinawin ko lang hindi lang uri ng salapi ang isyu dito (pagiging papel or digital) kundi pati na rin ang sistema na ginagamit sa uri ng salapi. Magkaiba ang sistema na ginagamit sa Fiat currency na ginagamit ngayon at ang sistema na ginagamit sa Bitcoin.

Ano ang salapi.

Ang salapi ay kahit anong bagay o rekord na karaniwang tinatanggap bilang isang kabayaran para sa merkansiya o serbisyo at kabayaran para sa mga pautang sa isang bansa o isang socio-economic na konteksto. Ang pangunahing silbi ng salapi ay: isang kasangkapan ng palitan, isang unit of account, isang store of value, at karaniwan isang standard deferred payment. Kahit anong bagay na may patunay na rekord ay pwedeng magsilbi bilang isang salapi.

Ang pera ay isang imahinasyon, ideya o paniniwala lamang. May ginagamit na ba na perang papel noong panahon ng agricultural age? Noong panahon na yon ang ginagawa lang para makabili ng produkto o serbisyo ay ang pakikipagkasundo lamang. At ganoon din sa perang papel, ito ay tinatanggap dahil napagkasunduan na ito ay gamitin. Habang maraming tumatanggap nito ay mas lalo itong nagkakaroon ng halaga. At ganoon din sa ibang uri ng salapi kagaya ng atm, tseke, online banking, token, bitcoin atbp.

Mayroong Dalawang Uri ng DIGITAL CURRENCY:

VIRTUAL CURRENCY - ito ay yung uri ng digital currency na kontrolado ng mga gumawa nito (developer). Ito ay maaari lamang gamitin sa mga kasapi ng isang virtual community. Isang halimbawa nito ay ang Amazon Chips.

CRYPTOCURRENCY - Ito ay yung uri ng digital currency na gumagamit ng Cryptography. Ang Cryptography ay isang secure na paraan para makapagpasa ng Digital Signature sa pamamagitan man ng peer to peer transfer at decentralization.

Ang Bitcoin ay isang uri ng cryptocurrency na gumagamit ng tinatawag na Blockchain o yung tinatawag na World Wide Ledger.

Ang Blockchain ay binubuo ng mga computer o participant na konektado sa bawat isa. Dahil sa konektado ang bawat computer sa bawat isa ay may iisa lamang itong listahan ng mga transaksyon.

Pamilyar ka ba sa diagram sa itaas? Oo, tama ka ang blockchain ay parang Torrent. Kung mapapansin mo ang bawat computer o participant sa itaas ay konektado nang derekta sa bawat isa. Ibig sabihin ay walang middle man na dinadaanan ng mga transaksyon sa gitna. Ang tawag sa uri ng koneksyon na yan ay peer to peer.

Bukod sa peer to peer, ang blockchain ay isa ring Decentralize. Ang ibig sabihin ng decentralize ay ang lahat ng data o transaction sa blockchain ay nalalaman ng bawat participant. Halimbawa muna natin ang transaksyon sa bangko. Ang sistema sa bangko ay Centralize. Halimbawa nito ay kapag nagpadala ako ng pera sa kaibigan ko na si Dapap ay iveverify nila kung lehitimo ang transaksyon, tapos ay irerekord at pagkatapos nun ay saka pa lang lilitaw sa account ni Dapap yung pinadala ko. Ang nakakaalam lang ng bawat transaksyon ay ako, si Dapap at ang Banko. Hindi mangyayari ang transaksyon ng wala ang bangko (middle man). Ibig sabihin ay kontrolado ng bangko (middle man) ang bawat transaksyon.

Halimbawa naman ng decentralize ay kapag nagpadala ako ng pera kay Dapap (tignan ang diagram) ay malalaman ito ng lahat ng participant sa blockchain (Jess, Floi, Bec, atbp.). Maililista ito sa kani-kanilang ledger. Ibig sabihin ay meron lang isang listahan para sa lahat ng mga transaksyon sa buong blockchain. Kung ganon ay dapat magkakapareho ang ledger ng bawat isa.

Paano kung may mandaya? Halimbawa, si Renz ay binago ang nakadeklarang pera niya sa ledger niya upang madagdagan ang kanyang pera. Tapos ay nagpadala siya ng pera sa syota niya na si Bec. Dahil nga decentralize ang bawat transaksyon ay malalaman muna ito ng lahat ng participant sa blockchain. Iveverify ng bawat participant ang ledger ni Renz kung pareho ba ito sa kanilang ledger. Kapag nalaman nila na hindi pareho ang ledger ni Renz sa kanilang mga ledger ay irereject ang transaksyon ni Renz sa blockchain. Ganyan kasecure ang bitcoin.

Nakita mo ba ang pagkakaiba? Sa Centralize na sistema ay kontrolado lang ng middle man (Bangko, Remittance Center etc.) ang bawat transaksyon. Hindi mangyayari ang bawat transaksyon ng wala ang middle man. Eh paano kung magkaroon ng Glitch o System failure ang Middle man? May nabalitaan ka na bang bangko na nagka-system failure? Madalas yan. Isa na rin itong dahilan kung bakit kaylangan nating magbayad ng mataas fee (kung minsan ay may pagka-gahaman) sa middle man para maging secure ang bawat transaksyon. Sa Decentralize na sistema naman ay wala kahit isa na kumokontrol ng bawat transaksyon. Wala rin naman kasi kayang kumontrol nito, kahit pa ang creator nito.

Sino nag-imbento nito.

Inembento ito ng nagpakilalang Satoshi Nakamoto noong 2009. Ngunit hangang ngayon ay hindi pa rin malaman kung sino talaga si Satoshi Nakamoto. Ang pangalang Satoshi Nakamoto ay isang hapon ngunit nang tignan ang kanyang mailing address ay sa Germany. Mayroong ilang kuro-kuro na ang nag-imbento daw nito at ng pangalang Satoshi Nakamoto ay nanggaling sa mga ibat ibang kumpanya. SAmsung TOSHIba NAKAmichi MOTOrola. Ngunit ito'y sabi sabi lamang. Pagkatapos niyang ipakilala ang sistema ng bitcoin ay bigla nalang siyang naglaho na parang bula.

Saan nanggagaling ang mga BITCOIN.

Kung ay perang papel ay ginagawa, ang bitcoin ay dinidiskubre. Si Satoshi ang nag-imbento ng bitcoin pero ang inembento nya ay ang sistema lamang. Maihahalintulad ang bitcoin sa ginto na minimina. Ang proseso ng pagmimina nito ay ang pag-sosolve ng mga mathematical problem o ang tinatawag na Blocks, na paulit ulit at nakadesenyong maging mahirap habang dumadami ang nasosolve na blocks. Ang prosesong ito ay tinatawag na Solving the Blocks. Miner ang tawag sa mga gumagawa nito. Kung sinumang miner ang makasolve ng blocks ay siya ang nabibigyan ng reward, ito ay ang bitcoin. Bawat blocks ay may katumbas na bilang ng bitcoin. Kapag nasolve na ang block ay uulitin ulit ang proseso ngunit mas mahirap na ang kaylangang isolve ng computer. Ang sistema ng pagmimina ang dahilan kung bakit nadadagdagan ang mga bitcoin na nagcicirculate sa blockchain. Noong 2009 ay makakapagmina ka ng bitcoin gamit lamang ang ordinaryong computer. Ngunit ngayon ay kaylangan na ng mga special hardware para makapagmina ng bitcoin dahil nga mas mahirap na ang mga mathematical problem ngayon. Ang bitcoin ay nakadesenyo lamang na may 21 million unit. At ang namimina na sa ngayon (June 2016) ay 15,616,875 o 74.37% na ng kabuoang bilang. Ang reward sa kada blocks ay nababawasan sa paglipas ng panahon. Dahil yan sa tinatawag na bitcoin halving. Magbasa pa dito - Ano ang Bicoin Halving.

Halaga ng BITCOIN.

Paano nga ba nagkaroon ng halaga ang bitcoin. Balikan natin yung agricultural age. Halimbawa nito ay mayroon kang sampung troso na gusto mong ipalit ng kabayo. Kaylangan mo munang maghanap ng tao na mayroong kabayo at mapapayag siya na ipagpalit ang kabayo niya ng sampung troso. Kung hindi siya pumayag ay ibig sabihin na walang halaga ang sampung troso mo para sa kanya. Ganyan din sa fiat currency, ito ay may halaga dahil tinatanggap ito ng gobyerno bilang pambayad ng ating mga buwis. Nagkakaroon lang ng halaga ang isang bagay kung mayroong tatanggap nito.

Ang bitcoin ay nagkaroon ng halaga dahil sa may tumatanggap nito. Tinangkilik ito sa maraming dahilan. Ilan dito ay, madaling magpadala ng pera, walang charge kapag nagpadala, walang buwis, secure, tumataas ang halaga, mas madali dalin etc.

Noong June 2010 ang halaga lang ng bitcoin ay 3.70 php. Ngayon ( June 4 2016) ang halaga na ng bitcoin ay 26,394 php. Ibig sabihin ay kung bumili ako ng isang bitcoin noong 2010 sa halagang 3.70 php at hinayaan ko lang yun na nakatago sa bitcoin wallet ko ng 4 years ay mayroon na akong 26 394 php ngayon. Madaling tumaas ang halaga ng bitcoin dahil sa unti unti na itong tinatanggap sa iba't ibang panig ng mundo.

Sumasabay ang bitcoin sa teknolohiya. Mayroon ng bitcoin ATM machine at mayroon na rin niyan sa Pilipinas sa may Makati. Para magamit yan ay kailangan lang itapat sa sensor ng ATM ang QR code sa Smartphone at pagkatpos nun ay pwede nang magwithdraw o magdeposit. Mayroon na ring bitcoin debit card kung saan ay pwedeng magwithdraw sa ibat ibang Atm machine.
Ang halaga ng bitcoin ay inaasahan pang tataas sa mga susunod na taon. Magbasa pa dito- Ano ang Bitcoin Halving.

Paano makakagamit ng BITCOIN.

Para makagamit ng bitcoin ay kaylangan mo muna ng bitcoin wallet. Ang bitcoin wallet ay isang digital wallet na magagamit mong imbakan ng mga bitcoin. Para lang itong online banking na kung saan ay may access ka online anumang oras. Maraming bitcoin wallet sa buong mundo pero dito sa Pilipinas at Thailand ang pinaka-popular ay ang coins.ph. May dalawang klase ng wallet sa coins.ph, ang peso wallet at ang bitcoin wallet. Ang peso wallet ay ang katumbas na halaga ng pera mo sa peso. Ang bitcoin wallet naman ay ang katumbas na halaga ng pera mo sa bitcoin. Madali lang magdeposit ng pera sa wallet. Sa coins.ph pwede kang magdeposit sa pamamagitan ng 7-eleven, bank cash deposit at online transfer, globe gcash, remittance center atbp.

Para sakin ay sa 7-eleven ang pinakamadali dahil sa napakaraming branch nito. Punta ka lang sa Cliqq, ito yung self service machine nila, piliin mo lang ang e-money sunod ay ang coins.ph, itype mo ang number mo na nakaregister sa coins.ph sunod ay ilagay kung magkano ang idedeposito, pagkatapos nun ay may lalabas na resibo sa machine, pumunta ka sa counter at ibigay mo ang resibo, magbayad at pagkatapos nun ay wala pang isang minuto ay magtetext na sayo ang coins.ph para sabihing nakapagdeposito ka na. Kapag binuksan mo ang account mo ay nakalagay na agad dun ang dineposito mo. Mababasa mo ang iba pang feature ng coins.ph dito Ano ang coins.ph.

Para makagawa ng account sa coins.ph ay iclick lang ito Coins.ph

Maliban sa coins.ph ay maaari ring gamitin ang mga wallet na ito.

Coinbase (para sa bitcoin, ether at litecoin)

Xapo Wallet (para sa bitcoin, nababagay na gamitin sa mga faucet sites)

Kapag may BITCOIN WALLET ka na ay pwede ka na sa susunod na topic.:)

Paano Kumita sa Bitcoin.

Ito ang ilang paraan para kumita sa bitcoin. Mayroong libre at mayroon din namang may bayad.

MINING (SOLO MINING) - Mahalaga ang role na ginagampanan ng mga miner sa blockchain. Sila ang may responsibilidad kung bakit gumagalaw ang mga transaksyon ng bitcoin sa blockchain. Bawat grupo ng transaksyon ay tinatawag na blocks. Ang bawat blocks ay nakaencode sa tinatawag na cryptography, ito yung secure na paraan ng pag-eencode ng mga data signature na ginagamit din ng mga bangko. Trabaho ng miner na idecode ang mga bagong blocks at iverify kung hindi ba ito tampered sa pamamagitan ng pagkukumpara sa mga naunang blocks. Kapag naverify na lehitimo ang bagong blocks (grupo ng mga transaksyon) ay saka pa lang maidadagdag ang bagong blocks sa blockchain. Tinawag itong blockchain kasi ito ay grupo ng mga blocks, mula sa pinakauna hanggang sa pinakabago.
Bawat bagong blocks na maidagdag ng mga miner sa blockchain ay may katumbas na bilang ng bitcoin. Sa paraang ito kumikita ang mga miner. Magbasa pa dito Ano ang bitcoin halving.

BITCOIN FAUCET - May mga site na namimigay ng libreng bitcoin. Kaylangan lang gawin ang pinagagawa nila kagaya ng paglalaro ng games, pagview ng mga advertisement, pagsolve ng captcha atbp. Depende sa site na pupuntahan mo.

Ang reward ay nasusukat sa satoshi na may katumbas na 0.0000001 BTC. Makakaipon ka ng bitcoin dito kapalit lang ng oras mo. Kaylangan mo lang mag-intay at mag-tiyaga.

Ito ang ilan sa mga faucet sites. Kaylangan mo lang ng xapo wallet para iclaim ang reward. Kapag nakaipon ka na ng Satoshis ay saka mo palang itransfer sa Coins.ph wallet mo.

MOONBIT Claim every ( ikaw ang bahala, timer kasi siya. The longer the time mas malaki ang makukuha pero habang tumatagal mas babagal ang production. For me claim mo siya every 2-3 hrs.)
FIELDBITCOINS Claim every ( ikaw ang bahala same as Moon:) , timer kasi siya. The longer the time mas malaki ang makukuha pero habang tumatagal mas babagal ang production. For me claim mo siya every 2-3 hrs.)
BITCOINZEBRA Claim every 1hour.
BITSFORCLICKS Kailangan mo lang magview ng mga ads Marami pang faucet site sa Google.

HYIP (HIGH YIELD INVEST PROGRAM) - Ito yung mga site na nangangako ng high return sa investment. Iba-iba ang kanilang programa. Maraming nag-oofer ng HYIP sa internet pero ang ilan dito ay mga scam.

CLOUD MINING - Ito yung paraan ng pagmimina ng hindi ka bibili ng sarili mong hardware. Dahil nga malalaking mining business na ang makakalaban mo kapag nagtayo ka ng sariling mining farm ay malaki rin ang posibilidad na matalo ka sa kumpetisyon. Ang ideya ng cloud mining ay parang pagbili ng share of stock ng isang kumpanya, kung saan ay binibili mo ang maliit na bahagi ng kumpanya at ang kita ay nakadepende sa dami ng share mo. Ang mining farm ay nasusukat sa mining power nito. Kung gusto mong maging kabahagi ng mining farm ay maaari kang bumili ng mining power sa kanila.

Ito ang ilan sa popular na cloud mining site ngayon. Free lang ang paggawa ng account kaya pwede ka nang gumawa ng account para mas lalo mo pang maintindihan ang sistema sa cloud mining.

Hashflare Ano ang HashFlare?

Genesis Mining

TRADING - Kagaya lang ito ng forex. Bibili ka ng bitcoin sa mababang halaga at iintayin na tumaas ang halaga nito. At saka ibebenta kapag tumaas na ang presyo nito kaysa sa presyo nung nabili mo.

REFERRAL BONUS - Mayroong ilang mga sites na nag-oofer ng referral bonus. Ishare mo lang ang referral link mo sa iba at kapag naging interesado sila at nag-register ay automatic na may kita ka. Sa coins.ph ang referral bonus ay 50 php sayo at sa napamember mo. Sa hashflare at genesis ay mining power naman ang matatanggap mo.

Ngayong information age ay nagbago na rin ang paraan para kumita. Kung dati noong panahon ng industrial age ay kaylangan mong magtrabaho, pumasok sa malalaking kumpanya at akyatin ang corporate ladder, at mamuhunan ng malaking pera, ngayon ay hindi na halos kaylangan ito. Kahit nasa bahay ka lang at nakaupo ngayon ay kikita ka na. Ang kaylangan mo lang ay ang tamang impormasyon at kaalaman na sumasabay sa panahon. Mayroon ngang kasabihan na para manatili kang bata ay dapat mayroon ka laging bagong kaalaman na sumasabay sa panahon.

Eto ang ilan sa mga kilalang tao na naniniwala sa bitcoin:

"With e-currency based on cryptographic proof, without the need to trust a third party middleman, money can be secure and transactions effortless.” - Satoshi Nakamoto, Bitcoin developer

“Bitcoin is Money Over Internet Protocol.” Tony Gallippi, BitInstant CEO

“Bitcoin is Cash with Wings” - Charlie Shrem

"Bitcoin is better than Currency" - Bill Gates

Reference: https://tl.wikipedia.org/wiki/Pera_(ekonomiya)
https://en.wikipedia.org/wiki/Digital_currency
https://letstalkbitcoin.com/blog/post/the-africoin-report-changetip-isnt-global-anymore
http://www.hongkiat.com/blog/bitcoin-questions/

Coins.ph ( Ano ba ito )
Ano ang Hashflare?
Ano ang Bitcoin Halving?
Tips and Advice

Sana nakatulong ito sa iyo. Kung may mga kataungan ka ay pwede ka po magpost ng comment dito. . Salamat.!

Sort:  

Congratulations @ichan07! You received a personal award!

Happy Birthday! - You are on the Steem blockchain for 2 years!

You can view your badges on your Steem Board and compare to others on the Steem Ranking

Vote for @Steemitboard as a witness to get one more award and increased upvotes!

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.26
JST 0.039
BTC 100693.54
ETH 3647.21
USDT 1.00
SBD 3.13