Dapat turuan ang ating mga anak ng magandang asal habang sila ay bata pa
Habang ang ating mga anak ay bata pa,bigya natin sila ng pagpapahalaga na maturuan sila ng magandang asal habang sila ay bata pa, dahil kung paglaki na nila sila natin tuturuan Hindi na natin mapapasunod, dahil nga sila ay matanda na,kaya para sa ating mga magulang huwag nating hahayaan na ang ating mga anak ay pabayaan na huwag disiplinahin o turuan,Hindi naman masama kung displinahin natin sila ang mahalaga huwag lang sobra, dahil ang pag didisiplina sa kanila ay parte ng pagmamahal natin sa kanila, kung mahal natin sila kailangang disiplinahin natin sila upang lumaki sila na mabuting tao Hindi pasayaw dahil sa atin namang mga magulang masisisi ang lahat kung ang ating mga anak ay Hindi natuturuan ng magandang asal,kaya dapat habang bata pa ay gagawin natin ang lahat upang silay maturuan ng magandang asal, sisikapin nating mga magulang na magampanan ang tungkulin natin sa kanila bilang mga magulang, dahil ang ating mga anak ay ating kayamanan, sila ang nagbibigay sa atin ng saya.
Kaya dapat rin nating silang pahahalagahan at pakamamahalin upang Hindi sila matulad ng ibang kabataan na nalihis ang landas dahil sa Hindi inaalagaan ng kanilang mga magulang, dahil ang ating mga anak ay bigay ng diyos sa atin kaya dapat nating ibuhos sa kanila ang lahat ng ating atensiyon sa pagpapalaki sa kanila, kaya lagi nating tatandaan na habang bata pa tuturuan na natin sila ng magandang asal, at ipagdasal natin sila na lumaki na mabuting mamamayan at may takot sa panginuong diyos upang lumaki sila na maging mabuting tao.
Dahil walang mga magulang na naghahangad ng ang kanilang mga anak ay mapabilang sa mga masasama dito sa mundo, kaya dapat nating silang aalagaang mabuti upang maging matinong mga anak sila pag laki, dahil mahal natin sila,kung nagkaroon sila ng pagkakasala patawan natin sila ng parusa na nararapat, ipadama natin sa kanila na mahal natin sila,Hindi naman ibig sabihin ng pagdidisiplina na natin sa kanila ay Hindi na natin sila mahal, ang ibig sabihin ng ng pagdidisiplina natin ay mahal natin sila,walang mga magulang na naghahangad na ang mga anak ay mapariwara,kaya para sa mga anak ugaliing makinig sa mga magulang upang magandang kinabukasan tayong marating, at lagi tatadaan mahal tayo ng ating mga magulang, mahalaga tayo sa kanila, walang mga magulang na magpahamak sa kanilang mga anak.