Philippine Poetry and Song Contest #1: Mapaglarong Damdamin

in #wikang-pilipino8 years ago (edited)

Bakit ang taong nagmamahal,
Nagagawa ang mga bawal?
Talaga bang mahirap kontrolin,
Ang bugso ng mapanglarong damdamin?

Bakit ang taong umiibig,
Kadalasa'y nagiging tanga?
Sa mga salita at kisig,
Bakit agad ay nahahalina?

Bakit pa sila nagmahal?
Kung sila rin a mabubuwal?
At sa huli'y sila'y masasakal.
Kaya, bakit pa sila sumugal?

Di ko talaga sila maintindihan.
Siguro, dahil hindi ko pa nararanasan
Pero, may utak naman tayo para gamitin.
Kaya 'wag palaging puso ang pairalin!

Madaling sabihin, pero mahirap daw gawin.
Hay! ang hirap naman nilang intindihin!
Pero, darating ang panahon maiintindihan ko rin ito.
Pag ako naman ang matamaan ng palaso ni Kupido.

Coin Marketplace

STEEM 0.15
TRX 0.23
JST 0.032
BTC 85268.85
ETH 2211.78
USDT 1.00
SBD 0.69