My Entry for Show Me Your Talent #6 @olivia08 | ALAALA -Tagalog Poetry [Orihinal]

Puno ng pag-asa at mga pangako
Pangakong magmahalan habang buhay
Habang buhay at sumumpang di maghihiwalay
Dahil ang paghihiwalay ay nagdudulot ng sakit sa damdamin
Ang mga alon ay siyang tanging saksi
Kung saan tayo'y nagkatagpo at nag-ibigan
Sa romantikong lugar tayo ay nagkakilala
At bumuo ng ating mga pangarap para sa kinabukasan
Hindi nababasa ang tunay na kulay
Maraming nilalalang ang mapagpanggap
Ikaw ay bubulagin ng kagandahang asal
Animo'y mga tupang maamo yun pala'y ulupong
Lahat ng palingan ay makulay
Kapaligiran lahat ay mapanuksong alay
Matatamis na salita at pangungusap
Maghinay-hinay ng di matisod sa nakaabang na peligro
Kaakibat ang luha, pait at hinagpis
Ligaya, galak at tuwa ay katuwang din
Kasiyahan, kaligayahan at kalungkutan
Sa tamang lugar at damdamin ngunit maling nilalalang
May mga panahon na ang sakit sa loob ay labis-labis
Lumuluhang kaluluwa at katawa'y tumanggi ng mabuhay
Nagdurugong puso at nangangatal na katawan
Pagsisimula ng buhay na tulad ng impeyerno
Isang kaluluwang kasing lamig ng isang niyebe
Ang pusong wala ng linamnam na tamis sa mga alaala
Nakapahinga sa bagong buhay na naghihintay sa unahan
May aninag na ilaw sa mapanglaw na kapaligiran
Di pagkakaunawaan ay huwag patagalin
Pag-usapang mahinahon ang tampuhan
Dahil miminsan lamang matatagpuan
Pagibig na di magmamaliw
Hahahaha ang galing! Maraming salamat sa pagsali at supporta.
God bless you!
Salamat din sa inisyatibo mo sa patimpalak na ito. nkakatuwa din naman sumali.
Pwede pala tagalog? 🤗🤗
Pwd oi, ayaw mo na sumali , ehh hwag!
Oo naman, puede tagalog. Sali ka migoy.
Mga alaala na ililibing sa limot
Pag ibig na balatkayo lang pala.
Hahaha..sakit!