ISANG PAHINA NG BUHAY ni @joshuelmari [Orihinal na Tula] || 20% payout of this post goes to @steemitphcurator

in Steemit Philippines3 years ago

image.png

ISANG PAHINA NG BUHAY

Ang tanging hiling ko sa iyo
Ay ang munting pagsalarawan ng lahat
Mga salitang inipon na kaunting hawig
Sa matinding sakit na nararamdaman ko
Ang pagguhit sa naglaho kong pag-asa
Ang tangi kong maihahandog sa iyo
Ay ang pasakit at kaligayahang
Iyong mararamdaman sa pag-ulit ng pluma
Kong putol na at ang pagpinta ng kahapon
Tulad ng mga luha kong dumadaloy sa pisngi
Dahil ang pluma kong bali na
Ay nagiging bukid ng aking paghahanap
Dahil doon kita pinitas sa maitim
Na ulap at nanangis na kulog at kidlat
Na bunga ng aking pagbulay-bulay
Pagbubulay-bulay na parang dagliang napukol
Bagyo na pumailalim at lumikot sa aking damdamin
Tulad ng babaeng magsisilang ng sanggol naramdaman ang sakit
Doon sa pugad na pinamamahayan ng aking mga panaginip
Umusbong ang pagibig na hamak, dahil kulang sa pluma
Nang ipunin ko na ang mga kasagutan,
Sa pagtangis ng langit dala ng sama ng panahon
Pumalaot ako sakay sa sasakyan ng buhay
Umaasang magkaroon ng pag-asa na dumaong sa baybayin
Ngunit ipinadpad sa mga malulupit na alon sa pulo ng mga inaayawan
Ngunit isang hapon na labis na tahimik
Ang araw ay nakasuot ng isang damit ng kadiliman
Duon sa kubo, nagiisa akong nagmumunimuni sa mga nagdaang taon
Habang pinagmasdan ko ang mga bituin sa kalangitan
Lumitaw ang liwanag ng buwan nahugasan ang dilim ng gabi
Ako ang nilalalang na iyong pinagtaksilan, dinurog at iniwan
Inanod ng alon at pinadpad sa mabatong dalampasigan
Buong kaluluwa puno ng dugo dulot ng sakit ng nakaraan
Mahapdi at mabigat ang bawat himaymay sa sakit ng kalooban
Ngunit nabuhay ang pag-asa ng pusong sugatan
Na naghihirap at nagtitiis sa parusa ng mga mandaraya
Mga paa'y itinatayo at inilakad sa daang matinik
Lumakad palayo sa lugar ng isang taksil at huwad
Upang mamuhay ng tahimik malayo sa kuko ng kadiliman

Stay blessed,

@joshuelmari

@steemitphcurator receives 20% of the earnings from this post.

All glory and honor belong to God


steemit banner.png




Sort:  
 3 years ago 

Ganda Ng tula Ng Buhay.

 3 years ago 

Salamat, kapatid! Alam mo naman ganyan ang buhay .

 3 years ago 

Makatang-makata ate ah.. 😊

 3 years ago 

Salamat Bunso. Musta na pakiramdam mo?

 3 years ago 

Hindi pa ako okay ate.. nanghihina pa ang katawan ko.

 3 years ago 

Pahinga ka. Inom dami water and magcalamansi with honey kung meron. Pray more.

 3 years ago 

Nakaka relate ang tula.

 3 years ago 

Sadya, sister. Alam mo naman talagang ganyang ang ginagalawan natin sa pansamantalang buhay dito sa mundo. May hirap, pasakit, tuwa at galak.

 3 years ago 

Tama ka siater.

Kapit lng sis ika nga wlang bagyo o baha na hindi huhupa God bless po.

 3 years ago 

Sinabi mo pa Sis. Dinadarang tayo sa apoy ng karanasan upang tayo ay tumibay sa agos ng buhay.

 3 years ago 

Galing ang ganda ate.

 3 years ago 

Salamat, kapatid. Yan lang naman ang kaligayahan kong maibahagi ang pagsulat ng tula at kwento ng buhay hango sa karanasan.

 3 years ago 

grabe ka poetic! :)

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.24
JST 0.034
BTC 96580.26
ETH 2763.74
SBD 0.66