Larawan Ng Nakalipas

in Steemit Philippines4 years ago

Magandang gabi sa lahat, lalong-lalo na sa mga magigiliw na magbabasa at walang sawang sumusuporta ng mga post ko dito sa STEEMIT PHILIPPINES. Ang post ko ngayon ay isang tula na sumasalamin sa ating buhay, sana magustuhan nyo po ang tula na ginawa ko para sa inyo.
Ang tula ay pinamagatang, LARAWAN NG NAKALIPAS.

IMG_20210422_105547.jpg
Madilim at malabong paningin sa liwanag.
Ang araw na nagpapahina tila hindi matutuloy
pa.
Sa paglalakbay at pananatili sa tahak ng landas
Pilit na tatapusin,
Dahil ito ay sugo ng kalamnan.
Ang lahat dito sa mundo ay may landas na tinatahak,
Pagsikat ng araw at ang paglubog nito,
Ang lahat ng ito ay matutupad at walang makakiwas.

Ang sangkatauhan ay tintahak ang daan ng liwanag,
Sila, tayong lahat ay babalik sa pinanggalingan,
Puno ng kalungkutan, malabong paningin at nanghihinang katawan.
Masakit na katotohanan, ang lahat ay may
Simula at may kataposan.

Kayaman na hawak, dahil sa tagumpay,
Ang lahat ng ito ay mawala at walang
Matitira.
Ako na tumingin ay tahimik at lihim na nalulungkot,
Subalit kung bakit ang karamihan ay alipin ng pagbabasakali.
Sinusungkit ang pangarap kahit sa mga luha.

Para lang maipakita ang minimithing tagumpay
Sana, malaman nila na sa likod ng ng ating buhay,
Ang lahat ay may hangganan
Isantabi ang kayamanan, at pagpapahirap
Para sa Poong Maykapal.

FB_IMG_16177098671976945.jpg

Sort:  
 4 years ago 

Galing naman, nakatagong talento dito lang pinalabas

 4 years ago 

Salamat ate Ju.. 😊😊

 4 years ago 

Patuloy mo palagi ang ginagawa mo. You have a good future ahead .

 4 years ago 

Salamat sa lahat-lahat nay.. 😊😊

 4 years ago 

Sadyang napakaganda po nang iyong tula, salamat po sa pagbahagi nito..

 4 years ago 

Walang anuman po. 😊😊 Salamat at nagustuhan nyo ang tula ko.. 😊😊

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.24
JST 0.034
BTC 96580.26
ETH 2763.74
SBD 0.66