Ang aming kapitbahay na naglalaro ng basketball
Hello po sa inyong lahat kamusta na po kayo? Sana ok lang kayong lahat at sana malusog at malakas kayo.
Kanina po naglalaro po yung mga kapit bahay namin ng basketball tila gusto yata nila na ma exercise yung katawan nila at magpapawis maganda naman yung laro nila kahit hindi maganda yung basketball court.
Nakatingin lang kasi ako sa malayo at dahil tila nabobore ako sa kakatingin nila na naglalaro ng basketball ay kinunan ko sila ng pic na hindi nila nahalata . Pero masaya naman ako kahit nkatingin lang ako sa kanila total kapitbahay namin sila at hindi ko sila kilala kahit kapitbahay namin sila.hindi kaso ako mahilig lumabas ng bahay parati lang kasi ako nasa loob ng bahay at minsan lang ako lalabas pag gusto ko.