Yung project sa folder!
"Ante uwi na ako. Salamat po sa pagtype ng project ko ah", wika ni Argie sa kanyang tiyahin na walang sawang tumutulong sa kanya.
"Oo na sige na. Kahit ginabi tayo. Umuwi ka na at alas dose na. Sana di ka ma-late para di masayang yung pagod ko. Libre pa yang folder mo ha. Swerte ka", tugon ng kanyang tiyahin
"Ante wag ka muna magsara ng pinto. Subaybayan mo ako hanggang makauwi. Tanawin mo lang ako",hiling niya.
"Isoli mo itong payong ko bukas pag-uwi mo sa iskul at ito na lang ang payong ko", bilin ng kanyang tyahin.
Umalis na si Argie at binaybay ang madilim na daan. Sa hinaba-haba ng oras nya sa bahay ng tiyahin bakit ba naman saka pa bumuhos itong ulan kung kelan sya uuwi. Nang-aasar lang. Hakbang na punong-puno ng ingat ang ginawa nya kipkip sa kili-kili ang proyekto sa folder na maghapong tinipa sa typewriter (90s pa kasi ito naganap). Masayang bwisit na bwisit ang pakiramdam niya habang binabaybay ang madulas at daang pataas pauwi ng bahay nila. Kay dilim at tanging mga patak lang ng ulan sa payong ang naririnig niya.
Matulin subalit maingat na paglakad na hindi naman kahabaan pero parang ang tagal matapos dahil sa pasalubong siya sa agos ng baha. Tinamaan ng swerte kapag nadulas pa sya o mahulog isa man sa tinayp nilang magtiya.
Walang anu-ano ay bigla ba namang may nag-overtake sa kanyang babae. Walang pasintabi. Nakita nya sa gilid ng mata kung gaano ito kabilis. Aba at walang payong. Yung hugis ng pagkatao nito na tila anino ang naaninag niya. Mahabang kulot ang buhok na parang nakabaro't saya. Kumabog ang dibdib niya dahil muntik ng mahulog ang folder nyang kipkip. Di siya magkandatuto kung payong o yung folder ang hahagiping masalo. Mabilis ang pangyayari. Ilang segundo lang iyon at ng tanawin yung kainis na babae... walang ibang nandun kundi sya lang. Tumalikod siya at ang kalokang tiyahin nagsara na pala agad ng pintuan. Ang dilim ng paligid at nagsimula siyang tindigan ng balahibo. Lahat ng pwedeng tumayo ay tumayo na nga ng mapagtanto niyang sakto siya palang napatigil sa puno ng mangga na usap-usapan sa kanilang lugar na may nagpapakitang nakaitim na babae. Sa dinami-dami ng puno dun pa talaga!!! Naman!!!
Ampota, karipas ng lakad ang ating bida. Walang lingon-lingon. Mabasa na ang mababasa wag lang ang folder nya. Pag-uwi ng bahay nila bukas naman ang pintuan kaya dali-dali syang pumasok, isinara ito at nagtungo sa kwarto nilang magkapatid.
Isinara niya ang bintana. Ibinaba ang kurtina dahil mula doon tanaw ang puno ng mangga. Laking gulat nya ng may humablot sa kanyang tshirt at nabitawan nya ang folder. "Kuya sino yang kasama mong aleng nakaitim? Ate anong pangalan mo? Sabihin mo na para masabi ko sa mga kaibigan ko", wika ng walang muang na si Paolo na kanyang nakababatang kapatid na may kausap sa kanyang likuran habang may mga tinuturo naman sa kanilang kama.
Naihi na sya sa kanyang salawal kasi naman walang ibang nandun eh kundi silang dalawang magkapatid lang. "Wala na akong ipapasa. Basa na!", ito na lang naibulalas nya .
Maging bahagi sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ikaw ba ay manunulat ng tula o maiksing kwento ? O kaya ay nais malinang ang talento sa pagsusulat? Sumali sa mga patimpalak. I-follow ang @tagalogtrail para sa mga akdang Filipino, sumali din sa aming talakayan sa discord : https://discord.gg/Pnm8VEz
@tagalogtrail
at habang binabasa ko ang ending nito, umaalingawngaw sa tenga ko ang tunog ng nagmamadaling ambulansya Weeee weeee weeeee weeeee
pagkapa ko sa pundilyo ng aking pang-ibaba, good news!
.
.
.
tuyo naman. 😁
enjoy ako sa kwento mo @beyonddisability nadali mo ako dun ah! 👈😉👉
matatawa ba ako o matatakot...yung uang parte hango sa tunay na karanasan. yung sa kwarto scene lang ang hindi. Naipasa ko naman yung proyekto kinabukasan haha
minsan yung mga akda ay hango sa totoong buhay. Ngayon sino si Erika at Estella @johnpd.
Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by BeyondDisability from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.
If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.
Nanindig balahibo ko haha nalala ko yung puno sa baba pag napunta kami dito sainyo nananakbo kami pag malapit na kami sa puno ng mangga.
Hala? Magkapitbahay kayo? Hehehe. Ang cool ah :)
dati po hindi, pero ngayon mag kapit bahay na kami hehe😉
katakot yung puno na iyon pati yung tatlong puno ng santol na makakatabi
Patatawarin at hindi ko ito babasahin ngayong gabi dahil nagbadya na po ang madlang tao sa "discord" kung ano ang laman nito. Babalik na lang po ako sa umaga XD
Hahha ayan @beyonddisability nabasa ko na. Grabe ang intense! Tapos yung ending talaga ang nagdala hahah kawawa naman yung karakter nag effort pa sya baliwala lang.
hahahahaha...
Iba din si @beyonddisability ang lakas mo sa amin. Dalawa kami ni junjun ang nagbasa hahaha
salamat mga bro :)
Halaaa. Tapos? Tapos? Anong nangyari? Naku namaaan. Tinakot mo ako dito ah. Madaling araw na pa naman ngayon at matatakutin pa ako. Nakuuu. Creepy..