Serye 1 : Pamilya de Villa
Serye 1: Picture Frame
"Lalayas na ako, hindi ko na gusto na makasama pa kayo!", galit na galit na sabi ni Robert sa kaniyang asawa.
"Kung gusto mong umalis, hindi kita pipigilan. Pero, tandaan mo na kapag umalis ka, hinding-hindi na kita pagbubuksan pa dito sa bahay na ito. Kakalimutan ko na minahal kita at ikaw ang ama ng dalawa kong anak!". Pagkatapos sabihin ni Dolor ang mga salitang iyon ay hindi na niya mapigilan ang sarili na umiyak. Tumakbo siya sa kanyang kwarto upang kumuha ng lakas sa kanyang kambal na anak.
Bagama't mabigat sa loob ni Roberto de Villa ang kanyang pag-alis ay lumabas siya ng kanilang bahay at tuluyan na nilisan ang lugar. Sumakay siya ng taxi at sinabi agad sa driver kung saan siya patungo.
Alam niyang mahihirapan siyang magsimula ng mag-isa ngunit ayaw naman niyang lokohin ang kanyang sarili. Hindi na siya masaya kasama ang kanyang asawa. Hindi na niya ito mahal. Bigla nalang tumulo ang kanyang mga luha ng maisip niya ang kanilang kambal - sina George at Georgia na pinagbawal ni Dolorosa de Villa na makita pa niya.
Hindi niya namalayan na nasa bahay na pala siya ng kanyang mga magulang. Bumaba diya ng taxi matapos niya itong bayaran ng kanyang pamasahe. Pumasok siya ng kanilang bahay at nasalubong niya ang kanyang mga magulang na halatang nagulat sa kanyang pagdating.
"Bakit ka nandito, Roberto at bakit may dala kang mga maleta? Lumayas ka ba sa inyo?", galit tanong ng kanyang ina.
"May kaunting problema kasi kami ni Dolor, mama. Pwede bang dumito muna ako?", mahinang tanong ni Robert sa kanyang ina.
"Anong kaunting problema? Hindi kaunting problema ang pag-iwan mo sa iyong mag-ina! Hindi porke't anak kita ay kokonsentihin kita. Ano ng mangyayari sa mga apo ko ngayon?", galit na sambit ng kanyang ina.
"Ano ka ba, Soledad. Nandito ang anak mo dahil may problema, gusto nyang makapag-isip. Pero hindi nya yan magagawa kung talak ka ng talak!", ang sagot naman ni Roman sa kanyang asawa. "Mabuti pay, ilagay mo muna iyang mga maleta sa kwarto mo, Berto pagkatapos ay bumalik ka rito upang kumain. Matagal naring nabakante iyang kwarto mo kaya, ikaw na bahala sa paglilinis.", kalmang sabi ni Roman sa kanyang anak.
"Sige po, itay. Pupunta muna ako sa aking kwarto.", naglakad kaagad si Robert paoubta sa kanyang lumang kwarto. "Siya nga pala, itay, salamat po sa pag-iintindi mo sa akin at ikaw nalang muna ang kumausap kay mama.", at nagpatuloy ito sa kanyang kwarto.
Pumasok si Robert sa kanyang kwarto at binuksan ang kanyang aparador upang ilagay ang kanyang mga damit. Hindi parin mawala sa kanya anfmg nangyari sa kanyang pamilya kanina. Parang ang gulo.
Nang matapos na siya, ay nakita nya ang huling bagay sa kanyang maleta. Isang picture frame na magkasama silang apat - Siya, si Dolor at ang kanilang kambal.
Dinala ni Robert ang picture frame sa kanyang mga dibdib, at umiyak ng umiyak. Hanggang sa nakatulog ito sa kaiiyak.