maikling kwento
DISCLAIMER: ang ibang larawan ay galing sa @walkofhope at pinayagan ni @immarojas na kunin. Ang kuwentong ito ay kathang isip lang, hindi ako ang may gawa ng walk oh hope at hindi ito ang storya upang mabuo ang walk of hope.
"PAG-ASA PARA LUMIGAYA?"
"May sakit ka, stage 3 cancer of the lungs". ang sabi ng doctor noong nagpatingin ako. Gumuhong bigla ang mundo ko sa nalaman ko, wala akong ginawang masasaya sa buong buhay ko. Bahay at trabaho lang ako at hindi pa gaanong lumalabas kapag nag day off ako. Laging nasa isipan ko ay kung paano maka-ipon ng malaking pera para sana sa magiging pamilya ko. Ang inipon kung pera ay ninakaw pa sa girlfriend ko sa bangko. Matagal na kami, siguro mga pitong taon na kaya malaking tiwala ko sakanya. Sya na may hawak sa mga ATM ko at credit card. "Pambihira naman ang buhay ko", sabi ko sa sarili.
Umuwi ako ng probinsya para panibagong kapaligiran naman at makapag relax. Ang probinsya namin ay malapit sa dagat. Isang araw habang tumatambay ako sa dagat..
kuha ng larawan: @immarojas
Napakagandang pagmasdan ang dagat, nakakawala ng kalungkotan. Masarap ang simoy ng hangin, masayang pagmasdan ang mga taong nalilibang sa dagat. Naka upo lang ako sa dalampasigan na nakangiti at biglang may lumapit sa aking babae. "Hello!! Bago ka dito?" sabi ng babae. "Hindi naman sa bago pero matagal na akong hindi umuwi dito." sagot ko. "Ay ako pala si Hope, hindi ako taga rito pero nalibang ako dito kaya hindi na ako umaalis dito" sabi nya. Bigla akong tumayo at nagpakilala, "ay ako pala si Nair, dyan lang bahay ko sa may kanto." Nagpatuloy ang aming kwentohan at minsan hindi ako sumasagot sa mga tanong nya kasi natulala ako minsan dshil sa problema ko. Napansin nya siguro ito kaya tinanong nya ako, "mukhang malungkot ka, may problema ka ba?" Ngumiti ako para 'di nya mapansin, "hindi, wala naman, maganda pala dito ano." sabi ko. "Oo naman kaya nga hindi ako umalis dito eh", sagot nya. "Oo nga eh, nakalimutan ko na dito simula noong nagtrabaho nako sa malayo, akala ko'y doon na ang buhay ko." sabi ko. Napasarap ang kwentohan namin sa sandaling oras at feeling ko'y komportable ako sakanya kaya ang kalungkotan ko'y pumasok sa utak ko. Biglang pumatak ang luha ko ng hindi ko alam, dahil siguro sa kapayapaan ng karagatan. Hindi ko na naitago kasi sa simula ng malaman ko ang sakit ko wala akong pinagsabihan, wala na akong pamilya kaya tingin ko'y gusto kong ilabas to. "Bakit ganoon no, bakit ako iniwan kahit wala akong ginawang masama." sabi ko. Hinihimas nya ang likod ko at sabi, "may mga bagay talagnag ganyan, malalampasab mo rin yan." sabi nya. "Pano ko malalampasan eh stage 3 cancer na ako." sabi ko habang umiyak na talaga ako, hindi ko na napigilan. Napaluha din si hope, niyakap nya ako habang naka upo kami. "Patawad wala akong masabi dyan pero pwede kitang tulongan malibang dito." sabi nya. Pinunasan ko ang mga luha ko at humarap sakanya, "pano naman?". sabi ko. "Nakita mo ba ang batang yan?" sabi nya.
pinanggalingan ng larawan: @flabbergast-art
Pinakita nya sa akin ang batang naglalaro sa skim board. "Marunong ako nyan." sabi nya. "Talaga?" sabi ko na may pagtataka. "Ay, ay walang tiwala, sandali at hiramin ko." sabi nya. Lumapit sya sa bata at hiniram ang skim board nito, sumakay sya dito at naglalaro sa alon. "Marunong nga sya." sabi sa sarili. Tumingin sya sa'kin na ngumiti at ngumiti din ako sakanya. "O diba?" sabi nya. "Oo na, magaling kana." sabi ko. "Pero bukas na kasi may gagawin ako at hindi ko dala ang board ko." sabi nya. Lumipas ang araw kong nakangiti.
Kinabukasan dala-dala nya ang skim board habang kumakaway sakin. Lumapit sya sa akin at pumunta sa may dagat. Pinagsabihan nya ako kung pano mag balanse nito. Ilang beses akong natutumba nito, minsan pinagtatawanan ako ng mga bata. Pero ayos lang kasi nakakalimutan ko ang problema ko ng sandali. Ilang araw na lumipas habang pinag-aaralan ko ito. Dito ko na iginogugol halos lahat ng oras ko. Sumasama na ako sa mga kabataan na naglilibang dito. Napapansin kong tumitingin sa'kin si Hope na ngumingiti. Lumapit ako sakanya para yayain ko sya na sumali pero pag lapit ko sakanya agad nyang sinabi, "mukhang naglilibang kana ah." Ngumiti ako at sinabi kong, "oo nga eh, sino bang hindi malilibang kung ganito kasama mo lagi."
pinanggalingan ng larawan: @flabbergast-art
Tinuro ko ang mga batang naglalaro sa dagat. Masaya akong pinagmamasdan sila na nagtatawanan kaya may pumasok sa isip ko at sinabi ko kay Hope. "Bakit hindi tayo gumawa ng orginasasyon kasama sila para mas dumami tayo." "Magandang ideya yan," sagot nya. "Noong nakita ko sila bigla akong nagkaroon ng pag-asa kaya ang gusto ko ang pangalan ng grupo ay walk of hope?" sabi ko. "Maganda nga pakinggan." sagot nya. "Maganda kasi pakinggan na yong mga kada apak mo, o kada lakad mo ay may dalang pag-asa. Malay mo maka inspired tayo ng iba." sabi ko. "Sige tawagin mo sila." sabi nya. "Mga bata, gagawa tayo ng organisasyon ah, @walkofhope at pupunta tayo sa iba't ibang baryo, ako muna bahala sa gastosin para gumawa ng maraming skim board at gagawa tayo ng marami malay natin may bibili eh di may budget na tayo." sabi ko. Pumayag ang lahat sa sinabi ko kaya kinabukasan ginawa naming opisyal ang grupo at pupunta kami sa ibang baryo. Paalis na sana kami, "nasaan na si Hope?" tanong ko. "Hindi po namin nakita eh." sagot nila. Nag-alala ako kung bakit pero 'di ko na maiwan ang mga bata kaya patuloy ang aming pag-alis. Pumunta kami sa malalapit na baryo at para mapromote ang adhikain namin nagpapaligsahan ako ng surfing. Kunting halaga ang premyo dahil ang ibig ko ay malibang ang mga bata nito at maiwas sa mga bisyo. Si #tataydagsa ang pina asikaso ko sa pakigsahan. Nakita ko si Hope kaya nagpaalam ako kay tatay dagsa, "kayo na po bahala dito at may pupuntahan lang ako." sabi ko.
Pumayag naman siya kaya nag umpisa na syang mag lista sa mga sasali. Tuwang tuwa akong lumapit kay Hope, "oi succesful ang ginawa namin at 'yon nagpa contest ako ng skimboarding" sabi ko. Medyo hindi maayos pakiramdam nya kaya yong boses nya iba, "ah! ganoon ba, mabuti naman." Nag-alala ako sakanya, "ayos ka lang?" sabi ko. Alam kong pinilit nya lang ngiti nya, "hehe oo naman, pagod lang ako." Hindi ko nalang sya kinulit at baka pagod nga sya. "Siguradohin mong pumunta ka sa sunod na linggo ah, uumpisahan na namin yan." sabi ko. "Oo naman, uwi muna ako at pagod ako." Sagot nya na may pilit na ngiti. Hinayaan ko lang sya at baka pagod sya. "O sige, pagaling ka ah." sabi ko. Umuwi sya at bumalik ako sa mga bata.
Ilang araw ang lumipas at ako'y naglalaro mag-isa. Kapag pinupuntahan ko sya sakanila mama nya naman ang kumakausap at sabi wala. Lumipas ang isang linggo at araw na ng paligsahan. Pag punta ko doon wala nanaman si Hope, hindi ako makapunta sakanilang bahay dahil isa ako sa namamahala doon. Inumpisahan na namin ang paglisahan, lahat ng nanood ay nalibang. Nakita ko sa mukha nila ang saya. Hindi ko napansin na hapon na pala saka ito natapos dahil sa nalibang ako. Natuwa ako sa kinalalabasan kaya nakangiti akong pumunta sa bahay nila Hope na tumatakbo. Kasama ko ang ibang mga batang naging kaibigan ko na. Pagdating ko sa bahay nila bakit maraming tao. Hindi maganda ang pakiramdam ko kaya lumapit ako sa mama nya. "Maam ano pong nangyari dito"? tanong ko. Pagharap ng mama nya ay umiiyak ito at sabi, "patay na si hope, leukemia sakit nya. Matagal na nya itong dala." sabi nya. Umiiyak ako at parang nainis ako, "bakit hindi nyo po ako hinayaang makita sya." sabi ko. "Ayaw nya kasing ipaalam sayo dahil baka masira ang mga plano mo, masaya syang nag-iba pananaw mo dahil sakanya." sagot nya habang patuloy ang pagluha. Lumapit ako sa bangkay nya na umiiyak, "bakit ang daya mo, ikaw nagbigay sa'kin ng pag-asang mabuhay pero ngayon aalis kana. Ang dami kong gustong sabihin, ang dami kong gustong gagawin kasama ka, pano na ngayon to? patuloy ako sa pag-iyak dahil hindi ko matanggap." sabi ko. Kinabukasan dinala ko ang mga bata at kasama sa organisasyon. Umiyak ako habang dinala ko silang lahat at sabi, "ito lahat sila o, dahil sayo andito kami ngayon."
pinanggalingan ng larawan: @flabbergast-art
Pagkalipas ng ilang oras umalis ako para mapag-isa dahil sa lungkot. Pumunta nanaman sa dagat para isumbong lahat. Iyak ako ng iyak at sabi, "MAY PAG-ASA PA BA AKONG LUMIGAYA?"
Salamat sa pagbasa
Hi @mrnightmare89, I'm @checky ! While checking the mentions made in this post I noticed that @tataydagsa doesn't exist on Steem. Maybe you made a typo ?
If you found this comment useful, consider upvoting it to help keep this bot running. You can see a list of all available commands by replying with
!help
.Thanks kuya...galeng mong mag-kwento..paki-edit yon 1st na images, except yon last are from me. Cheers.
okay po, sorry and salamat. Pasensya na po ang ending, ganoon talaga mga gusto kong linyahan eh.hehe
Napansin ko nga..but sige lang.