Ano ang #burnsteem25 at paano tayo makikinabang dito? (What is #burnsteem25 and how can we benefit from it?)

in Steemit Philippines2 years ago (edited)

20220823_195623_0001.png

Mainit na pinag usapan ngayon ang #burnsteem25. May iba na pabor dito ang iba naman ay hindi. Ang iba naman ay sadyang nalilito sa kung ano ba talaga ang burnsteem25. Sana makatulong ang artikulong ito para masagot ang inyong mga katanungan at mga haka-haka kaugnay sa tag na ito at magkaroon na rin tayo ng pagkakataon na ma pansin at ma upvote ng mga curators mula sa Steemit team.

Ano nga ba ang ibig sabihin ng #burnsteem25?


Sa salita pa lang na "burnsteem25" ay may idea na tayo kung ano ang kahulugan nito. Ito ay ang pagsunog ng 25% mula sa payout ng ating posts. Bagamat marami ang nanghinayang dahil pinaghirapan natin itong kitain, hindi ito pinapatupad ng Steemit Team kung wala itong magandang maidudulot sa plataporma. Syempre medyo apektado ang kikitain natin pero mas mabigat parin ang positibong epekto na maidudulot nito lalo na sa ating komunidad. Kadalasan sa bawat community ang mga gumagamit sa tag na ito ay karamihan magkaroon ng upvote mula sa malalaking curators ng Steemit team. Kaya ang maipayo ko sa ating lahat ay gamitin natin ito.


Kailangan ba talaga ito? Anu ano ang mga rason kung bakit dapat tayong mag sunog ng Steem?


Ito ay isa pa ring simpleng "form of investment" hindi lang pabor sa Steemit kundi sa lahat ng mga users nito. Sa mahigit na isang taon, striktong pinapatupad ng Steemit team na dapat ay mga power up tayo ng mahigit sa kalahati ng ating earned steem o pagsali at least sa #club5050 program para maiwasan ang pag drain ng Steem na may posibleng masamang dulot sa ecosystem. Kaya naging stock ang steem at bumaba ang value nito. Kung patuloy itong nakaimbak ay patuloy na bumaba ang value ng Steem. Kaya dapat mag bawas ng Steem sa paraan na hindi magkaroon ng negatibong epekto sa halaga nito at para mapanatili ang malusog na ecosystem. Kung may maraming ma burn na Steem ay unti-unting aakyat ang value nito. Ito ay isang napaka intelehenting paraan at tiyak na makakatulong sa ating lahat.


Ma vote ba talaga ang post ko kapag gumamit ako ng #burnsteem25 tag?


Hindi automatic upvote kapag gumamit ka sa tag na ito. Hindi parin tiyak na kapag mag tag tayo nito ay may upvote na agad mula sa mga curators. Dapat pa rin nating sundin ang mga protocol ng Steemit tulad ng mahigit sa 300 na salita, iwas sa pag kopya ng mga gawa ng iba (plagiarism), at dapat ikaw ang may ari ng mga litrato na iyong ginagamit o may tamang source sa kung sino mang orihinal na may ari nito. Higit sa lahat may kalidad at orihinal ang ating posts dito sa Steemit platform.


Paano ba gawin ito?


Sundin ang mga tagubilin sa ibaba

  • Step 1

    Screenshot 2022-08-23 18.54.33.png
    Gawing unang tag ang #burnsteem25 para madali lang itong makita sa mga curators.

  • Step 2

Screenshot 2022-08-23 19.06.59.png
Sa ibabang parte i click ang "Advance Setting".

  • Step 3
    Screenshot 2022-08-23 19.10.48.png

    Mag set ng 25% sa @null at i click ang save

45GhBmKYa8LQ7FKvbgfn8zqd6W2YEX34pMmaoxBszxVcFa2M2SPgFHH81YSmDTidgNEzP81HZh1Us9SFJDX2omNhoQtnXfjmSxC2AUKt2xBEWx6AjiuDqYjbutC1J86xgRLY66WpmTabb6FWySDQyL3gB3sWKrkrgHocKUWYhCy2J8ua7XciPedDvawAt3BCVtbtKhtUVVfGWk6bSccH17SsiTgZ6GpDvPFRAVE72iE7a5vF.png


Konklusyon


Huwag magpadala sa masamang haka-haka at hindi natin isipin ang ating sarili lamang kundi ang pangkalahatan. Sana makatulong ito na mas maintindihan natin kung ano ang ibig sabihin ng #bursteem25 at ang kabutihan na naidudulot nito. Huwag nating kalimutan na kailangan ng Steemit ang ating pag unawa ukol sa kanilang mga programa. Kontrolin natin ang ating palagiang pag benta ng ating steem at mag power up bilang pag pakita ng ating supporta at maibalik ang lakas ng Steemit. Ng sa gayon maiwasang huwag na maulit ang nangyari dati kung saan halos wala ng value ang Steem. At mangyari lamang ito kung kaisa tayo sa layuning ito. Magmasid at maging matalino sa pag patakbo ng ating Steemit account.

Screenshot 2022-08-23 19.18.52.png

Ang artikulong ito ay basi lamang sa aking sariling pag unawa at bilang pagsuporta ko na rin sa layunin ng Steemit team partikular ni @steemcurator01.

Maraming salamat, Mabuhay po tayong lahat!

Cover image arranged via Canva

Inyong lingkod,
@juichi

Sort:  
 2 years ago (edited)

sana marami pa ang mahihikayat para sumali sa #burnsteem25

StatusRemark
Club status#club100
#steemexclusive
Verified member
Not using bot
Word Count300+
Plagiarism Free
Delegator
burnsteem25

Luzon mod,
@junebride

 2 years ago 

Thank you for your evaluation maam @junebride.

 2 years ago 

salamat ani sir. Unta masabtan sa tanan diri sa atong community.

 2 years ago 

Mao gyud maam. Hinaot nga makatabang ni nga post sa ato mga kauban.

 2 years ago 

maayo unta ug ila pud basahon sir. hehe

 2 years ago 

Maraming salamat po Sa paliwanang. Ito'y magandang adhikain.

 2 years ago 

Walang anuman @shula14. Sana ay makatulong ito at mag join ka rin sa #burnsteem25 program.

 2 years ago 

@juichi sir plz check my delegation lebel.

 2 years ago 

Hello @ilias12, I will check it later after my work. Thank you.

Congratulations!

This post has been upvoted through steemcurator07

IMG_20220709_154455_053.jpg

Curated By - @enveng
Curation Team - Cosmopolitan

 2 years ago 

Thank you for your support @enveng.

 2 years ago 

Thanks for the info!

 2 years ago 

Yun pala ang ibig sabihin nun. Salamat at maliwanag po.

 2 years ago 

slamat sa imong post sir, dugay rako nangita ani, more powers

 2 years ago 

Salamat sa artikulong ito, dahil kagabi nakita ko ang evaluation sa comment box sa isang post ko at nakita ko may x ako na isa kung saan ay ito ang burnsteem25 kaya nag tanong ako sa nag invite sa akin dito kung ano gagawin ko para maging check lahat ako kasi ayaw ko may x sa evaluation ko, ayun ito sinend nya at ayun naintindahan ko na at salamat may toturial na rin paano gawin.

Ang tanong ko po sa mga last post ko pwedi ko ba e edit yun at lagyan ng burnsteem25 or sa susunod na post ko nalang lagyan ng burnsteem25?

Maraming salamat po.

Lol kaya pala may nagbe-burn... Now ko lang nalaman.

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.20
JST 0.033
BTC 93256.79
ETH 3124.97
USDT 1.00
SBD 3.05